-15-

8 0 0
                                    


Problems 

"Okay is everyone with their group already?" malakas na tanong ni ma;am Perez. 

"Yes po." sagot ng mga ka-block ko. 

Nakatanaw ako kay Dana na nasa kabilang row ng upuan katabi ang mga ka-group niya. Mabuti pa siya nakakausap niya 'yung mga ka-group niya, habang ako ay para kaming nasa simbahan sa sobrang tahimik. 

ANg masaklap pa ay naka-group ko pa si Aaron. Hindi na ako umaasa na may i-aambag 'to sa research namin lagi naman 'to nagpapa-buhat eh. Tinignan ko 'yung dalawang babae na kagroup ko din, busy sila sa mga cellphone nila at nag-uusap. Hindi 'man lang sila nakikinig kay ma'am Perez. 

"Since this is just a mock research paper, I will accept any topics pero kailangan ko muna i-approved ang topic niyo and you need to defend it, every meeting starting today ay lagi niyo sasabihin sa akin ang updates about your papers."

Nilabas ko 'yung phone ko para magsimula na maghanap ng magandang topic, kahit mocked research lang 'to kailangan ko 'to seryosohin para hindi na ako mahirapan sa future. 

"Ma'am need po ba namin to i-defense?" tanong ng ka-block ko. 

"No." nakahinga naman kami agad ng maluwag. Sabi nila kuya nakakatakot daw mag-defense ng papers kasi madmaing tanong at kapag daw na-saktuhan na strict ang mga panel namin ay baka bumagsak kami. 

"Anymore questions?" umiling kaming lahat. "Okay. Now start working on your papers." 

Paano ko sila kakausapin? SI Aaron, naka-upo na sa kabilang group kung nasaan 'yung mga tropa niya, tumingin ako sa iba ko pa mga ka-group na kasalukuyan akong hindi pinapansin. 

"Ah, Mena? Gusto niyo mag-suggest ng topic?" naglakas loob na ako kausapin sila. 

Tinaasana ako ng kilay ni Mena at binaba ang phone niya. "Kahit ano na lang." 

Wala din siya naitulong, ayaw ba nila maki-cooperate?

"Ikaw Arwin? Baka may gusto ka--" 

"Did you see this post? Punta tayo later sabi nila masarap daw ang mga desserts doon!" hindi niya ako pinansin, mukhang mas may time pa siya gumala kesa tumulong. 

"Pero paano 'yung topic?" singit ko sa kanilang dalawa. 

"Text mo na lang kami, matagal pa naman deadline niyan 'di ba?" tumango ako kay Mena, mukhang wala na sila sa mood. 

"Pero wala akong num---" nagulat ako 'nang bigla silang tumayo at umupo din sa ibang mga group kung nasaan ang kaibigan niya kaya tuloy naiwan ako mag-isa. 

Hay bahala na, i-uupdate ko na lang sila tungkol sa research namin. 

Bago umalis si ma'am Perez ay nagpa-approve na ako sa kaniya ng topic namin, mabuti na lang at hindi ako nahirapan i-defend 'yun. Tinignan ko 'yung mga ka-group ko na mukhang walang pakialam sa research namin. Mabuti na lang at hindi hinanap ni ma;am Perez ang mga ka-members ko. 

First meeting palang naman baka sa susunod tumulong na sila. 

"Akiraaaa!" Niyakap ako kaagad ni Dana pagkatapos nila magpa-approve ng topic sa prof namin. "We're not in the same group!" reklamo niya sa akin. 

"Okay lang, mukhang naman matitino mga ka-group mo." swerte nga niya at mukhang nakiki-cooperate ang groupmates niya. 

"Ikaw ba? Ka-group mo si Aaron." nakasimangot niyang sabi. Kaaway din niya kasi siya. 

"Ah, hindi naman ako umaasa na tutulong 'yun." pinag-isipan ko ba kung babanggitin ko pa sila Mena at Arwin pero hindi na muna siguro first meeting palang naman. 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon