FriendsHindi ako nakapaniwala sa nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natutunaw ang kinain ko. Nakasabay ko lang naman kumain sila Clyde, hindi na ako nakagalaw sa pangyayari parang ang bilis. Ang alam ko nilalayuan ko siya paano kami napunta mula doon hanggang sa kasabay ko siya sa pagkain. Nilibre nila ako kahit sila naman talaga ang umubos ng pagkain ko abala ako na panoorin sila parang normal lang sa kanila na kasama ako.
May mga napapatingin sa amin pero walang nag-ahas na lapitan kami siguro dahil ay kasama nila ako. Hinatid pa nila ako sa room ko. Maghapon yata ako wala sa tamang wisyo.
Ngayon lang nagsink in lahat sa akin pagka-uwi ko sa bahay. Baka naman na nanaginip na naman ako ng gising? Paano na naman ako bukas? Pagtitinginan na naman ako ng mga tao, ano na naman kaya ang chismis na kakalat?
Bumuntong hininga na lang ako bago tuluyan na bumaba. Lalo ako nawawalan ng gana pumasok, ayoko na mag-aral!
"Aga mo naman nakasimangot." Bati sa akin ni kuya Ralph. nakaupo siya sa sofa at nanonood ng tv.
"Wala ka'ng pasok kuya?"
Umiling siya at saka pinatay ang TV. "Papasok ka na ba? Hatid na kita." saka niya kinuha 'yng susi ng kotse niya.
Mabilis naman ako tumanggi. "Huwag na kuya, day off mo kaya mag-stay ka lang dito sa bahay at magpahinga." inagaw ko mula sa kaniya ang susi ng kotse. Kita ko agad ang pagtutol sa mukha niya.
"Mas mabilis kapag hinatid kita, saka minsan lang naman kita ihahatid ayaw mo pa?"
Nakaramdaam ako ng konting guilt. "Next time na lang kuya." pilit ko. Ayoko talaga kapag hinahatid ako sa school baka ano pa ang mapansin niya.
Sumimangot siya kaya binigyan o siya ng isang malambing na ngiti. "Sorry na kuya, magkikita kami ng friends ko kaya okay lang na 'wag mo ko ihatid." tapos ay kumapit pa ako sa braso niya at naglambing.
Wala siyang nagawa kung 'di pabayaan ako umalis mag-isa pero binigyan niya ako ng pera bago umalis. I-dedeposit ko na lang mamaya sa banko ang pera wala namna ako pag-gagamitan.
"Eek." mabilis ako nagtago sa poste pagdati ko sa school.
Anong ginagawa ng tatlong 'yun sa gate?! Gusto ko pa naman sila iwasan ngayon araw. Nandoon lang silang tatlo nag-kkwentuhan hindi nila pinapansin na pinagtitinginan sila ng mga babaeng dumadaan. SInuot ko ang hood ng jacket ko at naglakad papunta sa kabilang entrance ng school, medyo malayo 'to sa building namin pero bahala na, ayoko muna makasalamuha 'yung tatlo.
Nakahinga ako ng maluwag pagkarating ko sa room, hindi ko na pinansin ang tingin ng mga kaklase ko, bahala na sila diyan isipin na nila ang gusto nila isipin. Napatingin ako sa upuan ni Dana masaya siyang kumukaway sa akin kaya nginitian ko siya.
Napapansin ko na napapadalas na ang pag-pansin sa akin ni Dana pero hindi na ako aasa na maging kaibigan ko siya lalo na at ayaw sa akin ng mga kaibigan niya. Pagdating ng professor namin ay tahimik na lang ako nakinig sa lesson.
"Akira Reese?!" narinig ko sigaw ni Dale.
De javu.
Gusto ko magulat pero hindi ko magawa. Inis at hiya na lang ang nararamdaman ko. Sinong matinong tao na papasok ng walang paalam at absta na lang sisigaw sa kalagitnaan ng klase?! Gusto ko na lang ilubog ang sarili ko sa kahihiyan!
Gamit ang notebook yumuko ako at tinakpan ang mukha ko kahit alam ko naman na makikita nila ako kaagad.
"Tangina ka! Nag-kaklase sila!" rinig ko sabi ni Seth sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...