Riot"Good morning kuya Rui! Good morning papa," bati ko sa kanila pagkababa ko ng kwarto. Lumapit sa akin si papa at hinalikan ako sa pisngi habang si kuya Rui naman ay nagtitimpla ng kape niya.
"Morning bebe girl ko~"
"Good morning,"
Umupo ako sa harapan ni kuya Rui at nagsimula na sumandok ng pagkain. Tinignan ko si kuya mukhang hindi pa siya kumakain kaya nag-sandok ako ng fried rice at nilagay sa plato niya, nilagyan ko na din iyon ng ulam.
"Thank you," at siya naman ay binigyan ako ng gatas.
"Hindi maaga ang pasok mo ngayon kuya?" tanong ko habang kumakain kami, usually kasi paalis na dapat siya ngayon.
"No, sabay tayo papasok ngayon." muntik pa ako masamid sa sinabi niya.
"Haa? Bakit naman kuya?" saka uminom ako ng gatas.
"Bakit? Bawal kita ihatid? Sayang kung mag-cocommute ka isasabay na lang kita." seryoso niyang sabi.
Hindi na ako nakasagot pa. Tama naman siya at saka magtataka siya kapag tinanggihan ko siya. Wala naman siguro makaka-kilala sa kaniya lalo na at madalas siya wala sa school dahil sa OJT niya.
"Wala ka OJT kuya?"
"Wala gagawa kami thesis sa school." kaya pala hindi siya naka-uniform ng pang-work niya.
"Ayos 'yan para safe ka makakarating sa school bebe girl." pag-sang ayon ni papa na kasabay din namin kumain.
"Safe naman po ako palagi,"
Sabay kami natapos kumain ni kuya Rui, hinintay niya ako sa gate ni-reready na niya ang kotse niya habang ako ay nag-tooth brush muna bago lumabas ng bahay. Nailabas na ni kuya Rui ang kotse niya sa gate kaya sumakay na ako. Mabuti na lang at may parking lot siya malapit sa school kaya nadadala niya ang kotse niya ginagamit din niya 'yun para sa OJT niya.
"Ayos naman ang school mo, beh?" tanong niya sa akin habang nakatutok siya sa daan.
"Oo naman."
"Good, magsabi ka lang kung may problema ka sa school, medyo busy ako kaya hindi na kita na-checheck." Binilinan kasi siya nila kuya Rhys na bantayan ako sa school.
Dahil nga busy siya sa studies niya hindi siya nakakabisita sa building namin at saka na-didistract ko siya kapag nagpapatulong ako sa kaniya sa mga assignments ko.
"Iyon na nga busy ka kuya Rui kaya huwag mo na ako isipin." Napa-diretso ako ng upo 'nang bigla niya ako samaan ng tingin.
"Pasalamat ka at nag-dadrive ako kung hindi ang napingot na kita." pagbabanta niya sa akin at tinawanan ko lang siya. "Kahit busy ako may time ako para sayo, kahit sila kuya ganoon din kaya 'wag na 'wag mo sasabihin sa amin na huwag ka isipin." seryoso niyang sabi.
Medyo na-guilty naman ako, baka akalain nila hindi na nila ako inaalagaan. Nahihiya lang naman ako sa kanila kasi may sari-sarili na silang buhay at abala sila sa trabaho pero lagi nila ako kina-kamusta habang ako wala naman naitutulong sa kanila.
"Sorry."
"Don't say that again." ngumuso ako. Aga aga ko nasermunan.
"Okay po, sorry ulit."
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa school, tinanggal ko ang seatbelt ko kasi nasa may harapan na kami ng gate dito niya ako binababa lagi tapos siya naman ay mag-papark ng kotse.
"Saan ka pupunta? Suotin mo seatbealt mo." pigil sa akin ni kuya Rui at nilagpasan ang gate.
"Ha? Hindi ba ako papasok ng school? Saan tayo pupunta?" naguguluhan ko tanong.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...