- 5-

8 0 0
                                    


Rumors 

"Bunso~ dinamihan ko ulit 'yungb baon mo. Bigyan mo 'yung mga friends mo ah." 

Kung dati ay isang extra tupperware lang ang dala ko para kela Clyde naging tatlo na 'to may tig-isa isa na silang tupperware masyado natuwa si papa 'nang nabaggit ko na gustong gusto nila ang luto niya. 

"Thank you pa." at nagpatuloy sa pagkain. 

"Kaya mo ba buhatin lahat 'yan? Baka mabigatan ka." sabi ni kuya Rui na kasabay ko kumain. 

"Kuya seryoso ka ba? Baka nakakalimutan mo na malakas ako?" nagkibit balikat lang siya, minsan nakakalimutan talaga nila na mas malakas ako sa ibang babae. 

"Dalhin mo na kasi dito 'yung mga kaibigan mo bunso, full course meal pa ang ihahain ko sa kanila!" pangungulit sa akin ni papa na suot suot na naman ang pink ko apron. 

"Busy mga 'yon." hindi pa naman alam ni papa na lalaki 'yung mga pinagbibigyan ko ng pagkain. 

Natawa nga ako 'noong maalala ko ang unang beses na binigay ko sa kanila ang mga lunchbox nila. 

Flashback

Tinext ako ni Clyde na nasa rooftop na daw silang tatlo. Tinanggap ko na ang katotohanan na hindi nila ako lalayuan kaya pinabayaan ko na sila doon, sinabihan ko kasi sila na kung gusto nila na hindi ko sila layuan ay iwasan nila ako kausapin sa public place, pwede lang kami mag-usap sa hideout ko.

Pumayag naman 'yung dalawa pwera lang kay Clyde na napaka-kulit pero kahit papaano naman ay nakikinig siya sinabihan ko kasi siya na hindi ako kumportable sa ganoon.  

"O ayan mga pagkain niyo." sabay abot sa kanila ng tig-isa isa nilang lunchbox. 

Kahit nagulat sila ay tinanggap pa rin nila iyon. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa ko, titig na titig kasi sila sa luncbox nila. 

"Ayaw niyo ba?" nag-paawa pa ako sa kanila. 

"A-ah, gusto ko! Gustong gusto ko!" sagot kaagad ni Clyde. "Paano mo nalaman na hot pink ang paborito ko'ng kulay?" at ngumiti siya ng peke sa akin at binuksan na ang hot pink niyang lunch box na may design pang 'bratz'. 

Pa-simpleng siniko ni Clyde ang dalawang kaibagan na tulala pa rin sa lunch box. 

"S-salamat, hindi ko alam ang sasabihin ko pero s-sino ba 'tong baboy na 'to?" sabay turo ni Seth sa malaking mukha ni 'Peppa pig' sa lunch box niya. 

Bumaling ako kay Dale. "Ang tunay na lalaki, kilala si 'My Melody." iyon na lang ang sinabi niya at pinanood ko silang tatlo na kumain. 

Ang cute nga kasi may ka-match pa iyon na spoon and fork ang laki nilang tao pero pang-kinder ang lunch box nila. Sa ganitong sitwasyon nagpapasalamat ako na si kuya Rhys ang namili ng gamit ko sa school. 

end of flashback 

Natawa na naman ako mag-isa, simula 'nun ay hindi ko na binanggit kay papa na mga lalaki ang kaibigan ko sayang naman kasi ang effort niya mamili ng mga lunchboxes nila at mas okay na din iyon over protective pa naman ang mga 'to. 

"By the way, alam mo ba ang mga rumors na kumakalat sa school?" kinabahan ako bigla sa sinabi ni kuya Rui. 

"R-rumors? w-what rumors?" umiwas ako ng tingin sa kaniya. 

Shit, may nakarating na balita na ba sa department niya?! 

"Well it's about the old building near your department." lumunok ako ng laway at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon