-17-

7 0 0
                                    

Research paper 

Napaatras ako agad mula sa pag-pasok sa room namin dahil hinarangan ako nila Mena, Arwin at Aaron. Hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita sa kanila. Ang tagal ko sila gusto kausapin at hinahabol habol ko sila para tulungan ako sa research alam ko na iniiwasan at tinataguan nila ako tapos ngayong araw na pasahan na ng research paper ay bigla silang lalapit at kakausapin ako? 

Kung pwede lang sila ihagis isa isa ay ginawa ko na.  

Bumontong hininga ako, Hindi ko gusto ang mga ngiti nila sa mga mukha nila. "Hello." 

"Hi! Tapos mo na 'yung research natin?" masayang tanong sa akin ni Mena. 

Alam ko naman na pina-plastic niya lang ako, ngayon ang laki ng ngiti niya pero noong mga nakaraang araw halos isumpa na niya ako kapag kinakausap niya ako, at higit sa lahat. 

Natin? research paper natin? 

"Oo," tipid ko sagot. 

"Great! Akin na, kami na ang magpapa-print!" 

Tinitigan ko ang nakalahad na kamay ni Mena. Ibibigay ko ba? 

"Hindi ako na---" 

"No, let us! Dalian mo naman Akira para matapos na. Huwag ka na maarte, 'di ba sabi mo tumulong kami? Ito na oh." unting unti nawawala ang plastic na ngiti ni Mena sa akin. 

Haay, hindi na ako makikipag-away wala na akong energy para doon. Kinuha ko mula sa bag ang USB kung saan naka-save ang research namin at binigay kay Mena. Grabe magpapa-print lang kailangan tatlo sila? Habang ako mag-isa ko tinapos ang research well tinulungan naman ako ni Clyde pero mostly ako ang gumawa. 

"Okay, bye!" sabay sabay silang umalis na. 

Mapagkakatiwalaan ko naman siguro sila no? Mag-piprint lang wala naman sigurong masamang mangyayari. 

Nakapahalumbaba ako sa may ledge ng third floor building namin at nakatingin sa kawalan. Tapos ko na ang pesteng research na yan dapat ay nakakapag-relax na ang utak ko pero bakit ganoon? Parang pagod na pagod pa rin ako? Parang may unfinished business pa ako na hindi nagagawa.

"Haay," 

"Lalim 'nun ,kamahalan." napatingin ako kay Clyde, muntik ko na makalimutan na kasama ko pala siya. Hindi ko alam kung bakit siya nandito basta bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. 

"Wala ka bang klase, Clyde?" tanong ko sa kaniya. 

May 30 minutes vacant kami pero imbis na sa hideout ako ay dito na lang ako tatambay, si Dana naman tinatapos pa din niya ang research nila dahil ngayon araw ang pasahan at madami pa daw ni-rerevise ang grupo niya. 

"Meron." nakangiti niyang sagot. 

"Bakit ka nandito?" 

"Na-miss kita eh!" nakangiti pa rin niyang sabi. 

"Kakikita lang natin kanina," tukoy ko nang salubungin niya ako sa gate. "At saka kanina ulit." noong kinawayan niya ako mula sa building niya. "At magkasama na tayo ngayon." 

Lately these days, napapadalas na makasama at makita ko si Clyde, hindi ko alam kung may radar ba soya or what basta kahit saan yata ako pumunta at nakikita ko siya. 

"Kung pwede lang 24/7 kita kasama, why not?" sagot niya sa akin. 

Pinagmasdan ko ang nakangiti niyang mukha. Iyang mukha na yan ang may kasalanan kung bakit ang daming nagkaka-gusto sa kaniya, hindi ba niya napapansin na bawat babaeng estudyante na dumadaan ay napapatingin sa kaniya? 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon