-7-

4 0 0
                                    


not me 

"As you all know malapit na ang CHMT day, this is an event for our department only, I need you to help with the preparations and I expect your cooperation students," K

asalukuyan nasa harapan namin ang dean ng CHMT (College of Hospitality Management ) namin nasa nag-roroom to room siya para i-announce ang magiging flow ng event. Hindi na ako nag-abala makinig kasi wala naman ako sasalihan ayaw ko din at wala naman nag-aaya sa akin pero pumapasok pa rin naman ako kasi nag-aattendance ang mga prof namin. 

Never naman ako nag-enjoy sa mga events, sa hide out na lang siguro ako tatamabay for two days. 

"Okay, that's all. Now focus on your studies." at umalis na si dean.

Pagkalabas ni dean ay nag-ingay kaagad ang mga kaklase ko, mga excited sila mag-participate sa mga contest at nag-iisip na sila ng mga gagawin nila for that event. Tumayo na ako para pumunta sa hideout ko, hindi ko makakasama sila Clyde dahil may klase sila ng ganitong oras baka bukas pa sila tumambay sa hideout ulit. 

Ilang araw na kasi ako kinu-kulit nila papa na mag-kwento sa lakad namin ng kaibigan ko daw pero ayoko naman baka mabanggit ko pa na si lalaki 'yung kaibigan ko. Pagdating ko sa hide out ay nilatag ko ang kumot ko sumandal ako sa pader at pumikit, sa totoo lang ay kanina pa ako inaantok.

Naalimpungatan ako 'nang may narinig ako ingay. Nakita ko kaagad sila Dale at Seth sa harapan ko na ksalukuyan din natutulog sa sahig, Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata ko 'nang makita na naka-patong pala ang ulo ko sa isang balikat. Aangat sana ako pero agad naman ito pinigilan dahil naka-akbya siya sa akin. 

"Clyde?" 

"Hmm? Matulog ka pa." inangat ko ang tingin ko at nakita ko siya na nakangiti lang siya sa akin. Tinignan ko naman ang naka-akbay niyang kamay sa akin nakalahad ito at mukhang hinaharangan niya na matamaan ako ng araw sa mukha. 

Humiwalay na ako sa kaniya, mag-poprotesta sana siya pero nag-matigas ako. 

"Nakatulog na ako ng maayos, salamat." ako na mismo ang nag-alis ng pagkaka-akbay niya sa akin pero imbis na bitawan ang kamay niya ay sinimulan ko ito masahiin mula sa kamay hanggang sa braso. 

"A-Anong g-ginagawa mo?" tanong sa akin ni Clyde habang pinapanood ako. 

"Minamasahe ka, baka nangalay 'yung kamay mo." sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang ginagawa. 

"H-Hindi mo na kailangan g-gawin 'yan." 'nang akmang ilalayo niya ito ay napadiin ang hawak ko sa braso niya. "A-Aray," daing niya. 

"Hala, sorry!" mabilis ko na binitawan ang braso niya. Napa-lakas na naman, hindi ko na naman na-control ang lakas ko. 

"O-okay lang, hindi naman masakit." tanggi niya kahit halata naman sa mukha niya na nasaktan siya. 

"Pero nasaktan ka," hindi ko maitago ang lungkot na naramdaman ko. Hinawakan ni Clyde ang pisngi ko at ngumiti ng magaan. 

"Okay nga lang ako, hindi ko ba nasabi na sayo na magpagka-masokista ako gusto ko talaga sa massage e 'yung nasasaktan ako." bigla niyang sabi. 

Gusto ko ulit maawa sa kaniya pero napalitan iyon ng pagka-lito. "Sa pagkakatanda ko braso mo ang nasaktan ko bakit utak mo ang na-apektuhan?" hindi ko napigilan na sabihin. 

Natawa siya sa akin. "O 'di ba effective hindi ka na malungkot." 

Lumayo ako sa kaniya at inayos ang sarili. Nanigas ako mula sa kina-uupuan ko 'nang makita ko ang dalawang lalaki na naka-dilat ang isang mata na pinapanood kami. Nagtama ang tingin namin ni Dale at mabilis siya pumikit at nag-kunwari ulit matulog. 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon