Daily routine
"Bakit naka-kapit ka na naman kay Akira? Unggoy ka ba?" iritang sabi ni CLyde habang hinhila ako palayo kay Dana.
"Excuse me? Ang rude ah. How about you? Kanina ka hila ng hila sa bestfriend ko she's not a rope you know!" niyakap ni Dana ang braso ko at hinila naman ako papalapit sa kaniya.
"Ano sabi mo? Sorry hindi kita maintidihan." at hinila na naman po ako.
"Teka kumakain ako." reklamo ko sa kanilang dalawa pero parang hangin lang ako. Gusto ko na kumain pero hindi ako makasubo dahil hawak nilang dalawa ang kamay ko.
"Ang sabi ko, wala kayong label, stop touching my bestfriend!" hila ulit to the right.
"Pasmado talaga bibig mo ah." hila na naman to the left.
Nakaka-inggit naman sila Dale at Seth ang sarap ng kain nila. Favorite ko pa naman ang ulam namin ngayon at ni-request ko talaga ito kay papa tapos hindi naman pala ako makaka-kain ng payapa.
"Help me," sabi ko sa dalawa na nasa harapan ko pero umiwas lang ng tingin. Mga traydor porket nakuha na nila ang pagkian nila, kalimutan na agad.
"You're the one who's pasmado!" ganti ni Dana.
"Conyo." asar ni Clyde.
"Coward." Dana.
Gutom na ako, at kapag gutom ako gusto ko kumain at kapag hindi ako maka-kain magwawala ako. Hindi kaya mabuhay ng isang tao ng walang pagkain lalo na kung ang pagkain na nasa harapan niya ay paborito niyang ulam, sabi pa ni papa hindi daw dapat pinaghihintay ang grasya pero dahil sa dalawang katabi ko ay kanina pa naghihintay sa akin ang grasya.
"Isa pang hila niyo sa akin paalisin ko kayo dito." nanigas sila pareho, napansin na yata nila ang maitim na aura na pumapaligid sa akin.
Binigyan ko sila pareho ng matalim na tingin. Napa-atras si Dana habang si Clyde ay napalunok sa takot.
"Nakuha niyo pa talaga mag-away sa harap ng pagkain na hinanda ni papa." mariin ko sabi.
"S-sorry! Here na nga oh I'm eating na!" natataranta sabi ni Dana at nagsimula na kumain.
Bumaling naman ako kay Clyde na namumutlang nakatingin sa akin.
"Ikaw? Hindi ka kakain?!" singhal ko sa kaniya habang matalim pa rin ang tingin ko.
"Eto na kakain na ko, relax ka lang kamahalan." tinaasan ko siya ng isang kilay. Akala ba niya natutuwa ako sa kaniya?
"Bakit ba kayo nag-aaway dalawa ha?" tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin, mabuti na lang nasa gitna nila ako kung hindi ay baka nagsaksakan na sila ng tinidor.
Hindi sila sumagot binigyan pa nila ang isa't isa ng matalim na tingin sabay sabi ng 'hmp' at hindi na ulit tinignan ang isa't isa. Napapansin ko kasi noong mga nakaraan na araw na magkakasama kami ay lagi na lang inaasar ni Dana si Clyde. Habang si Clyde naman ay pilit na iniiwasan si Dana ang problema lang e kapag nilalayuan niya si Dana ay kasama ako.
"Ha? Fighting? We're not fighting ah waste lang ng time kausapin 'yung isa diyan." pagpaparinig ni Dana, jusko po.
"Sana 'yung isa din diyan makapag-decide kung english o tagalog ang language niya kasi nakakairita ang pagka-conyo niya." ganti naman ni Clyde.
Hindi ko na muna sila sinaway binilisan ko lalo ang pagkain ko kailangan ko matapos bago sila magbangayan para naman may energy ako.
"Yes that's right Akira, bilisan mo kumain after that aalis na tayo dito!" Dana.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...