Freak
Hindi ako gumising ng maaga ngayon dahil wala naman kaming klase, it's the first day of our CHMT day, 11:00 pa mag-sstart ang pinaka-program kaya hindi ako nag-mamadali mag-ayos. Dala ko lang ay ang laptop ko at ang puch ko na may poweder at kung ano ano pa, wala naman klase kaya hindi ko na dadalhin ang mga notebooks ko.
Dahil nga may event kami required kami na suotin ang org. shirt na prinovide ng school sa amin nag-sweatshorts na lang ako para kumportable at hindi ako mainitan, hindi kasi ako pwede tumambay sa mga classroom namin ng walang prof at saka walang aircon sa gym kaya maiinitan ako kapag nag-pantalon pa ako.
Pagka-baba ko ay si papa lang ang naabutan ko'ng tao sa ibaba, na-una na kasi si kuya Rui, nakita ko agad sa lamesa na nakahilera na ang apat ko na lunchbox.
"Bebe ko, may event kayo sa school 'di ba? Dinamihan ko na ang baon mo pagkain para ma-share mo sa mga blockmates mo." sabi niya habang pinapakita ang mga laman ng lunchbox.
"Thank you po," sagot ko na lang. Sigurado ako ay matutuwa na naman sila Clyde dito, kayang- kaya nila ubusin 'to.
"May tubig ka ba? Mainit ngayon lagi ka uminom ng tubig." bilin sa akin ni papa. sunod sunod na tumango ako.
"Sige na papa, aalis na po ako." paalam ko sa kaniya, lumapit siya at niyakap ako.
"Mag-enjoy ka bebe ko~" napangiti ako at hinigipitan ko din ang pagkakayakap sa kaniya. "Pusod mo din buhok mo para hindi ka mainitan." marami pa siya binilin sa akin bago niya ako pakawalan.
Pagdating ko sa school ay sa hideout na ako dumiretso, ayoko sa gym wala naman ako kasama doon at sigurado ako halos lahat ng students ng CHMT ay nandoon na. Sinabihan ko naman na si Dana na i-text ako kapag mag-sstart na o kapag mag-aattendance na. Pagdating ko sa rooftop ay dumantay ako sa ledge at pinanood ang mga students sa baba, agad ko nakikita kung sino ang mga ka-course ko dahil katulad ko ay naka-org shirt din sila.
Ano naman kaya gagawin ko maghapon? Nagsisi tuloy ako na pumasok, sana pala nagpa-mark absent na lang ako, kapag may ganito event hindi ko maiwasan na malungkot.
Huh? malungkot?
Umiling ako at sinampal ng mahina ang sarili. Bakit ba ako nag-ooverthink? Dapat sanay na ako sa ganito! Saka sinubukan ko naman makipag-lapit sa tao sadyang ayaw lang talaga nila sa akin.
"You're here early," nilingon ko ang nagsalita at hindi na ako nagulat 'nang naglalakad na palapit sa akin si Clyde.
"Hello," bati ko sa kaniya, patagilid na tumayo siya sa tabi ko. "Vacant mo?"
"Nope, nakita kita dito kaya pumunta ako." tinignan niya ang kabuoan ko at ngumiti. "You look cute." bati niya sa akin.
"Salamat," sabi ko tapos ay lalo lumaki ang ngiti niya sa akin. Kinunotan ko siya ng kilay 'nang bigla niyang binuka ang kamay niya at tinuro ang mukha niya.
"Wala ka ba sasabihin sa akin?" tanong niya at nag-aabang sa sagot ko. Tinuro niya pa lalo ang mukha niya.
Ano ba meron? Wala naman bago sa kaniya ah. May bigla ako naalala, noong bata ako kapag pinupuri ako ni papa ay lagi siya nanghihingi sa akin ng halik sa pisngi 'yun daw kasi ang magandang way ng pagpapasalamat.
Kumurap ako bago humarap kay Clyde, lumapit ako sa kaniya at tumingkayad para maabot ang pisngi niya at mabilis ko siya hinalikan.
"Thank you ulit." sabi ko pagkatapos ko siya bigyan ng halik sa pisngi.
Akala ko ay matutuwa siya sa ginawa ko pero bigla siya naging bato, pwede na niya palitan ang statue ng founder ng school namin dahil sa paninigas niya. Hindi talaga siya gumulaw kahit pag-kurap ay natigil na din. Kumuway ako sa harapan niya pero walang nangyayari. Chineck ko pa nga ang puso niya kung tumitibok pa.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...