Getting to know each other"Kinakahiya mo ba ako?"
Hindi ko pinansin ang binibigay na tingin sa akin ni Clyde. Luminga ako sa paligid may mga tao pa din, buti na lang at nakatago kami dalawa sa ilalim ng hagdanan. Naka-krus ang braso habang binibigyan ako ng kakaibang tingin.
"Doon ka sa main gate lumabas tapos sa kabilang gate naman ako lalabas, magkita na lang tayo sa sakayan." mahina ko sabi sa kaniya at mas hinigpitan ang pagkakatali ng hoodie ko sa ulo.
"Hindi ka ba naiinitan?"
"Syempre naiinitan ako, kaya nga bilisan na natin." sagot ko sa kaniya at inayos ang shades na suot ko.
"Sino ba kasi nagsabi na balutin mo mukha mo?" binaba ko ang shades ko at tinignan ng masama si Clyde.
"Ang dami mo naman tanong, huwag na lang kaya tayo tumuloy?" iritang sabi ko sa kaniya. Ramdam ko na napinapawisan ang leeg ko sa init.
Napapa-payag na niya ako na samahan siya kumain sa labas, tinapos lang namin ang natitirang subjects namin kaya heto kami ngayon kasalukuyan nag-sasayang ng oras sa daming tanong ni Clyde. Balot na balot ako kasi ayoko makita ng mga tao na magkasama kami baka sabihin e kinidnap ko si Clyde.
Bumuntong hininga siya at sumuko na lang sa kakatanong. "Ako na sa kabilang gate ikaw na sa main gate para hindi malayo ang lakarin mo." inabot niya ang tali ng hoodie ko at niluwagan ng kaonti. "Hintayin mo ako sa lilim baka ma-heat stroke ka."
Hindi na ako naka-apela sa kaniya dahil nagsimula na siya umalis, 'nang nakalayo na siya ay naglakad na din ako paalis, pinaypayan ko ang mukha ko na nag-iinit dahil yata sa init. PAgdating ko sa may sakayan naghanap ako kaagad ng puno para doon muna sumilong, wala pa si Clyde dahil umikot pa siya.
Sabi ko naman kasi sa kaniya ako na doon, sanay ko naman lakarin 'yun dahil doon ako dumadaan kapag nilalayuan ko sila. 'Nang matanaw ko si Clyde mula sa malayo ay nilabas ko ang phone ko para i-text siya.
Me: Bigay mo na lang sa akin address ng coffee shop, maghiwalay na tricycle tayo sumakay para safe.
Sinend ko na 'yun at tinignan ko ulit si Clyde, nakita ko na nilabas niya ang phone niya at mukhang binabasa na ang text ko, nag-hintay ako na mag-reply siya pero wala ako na-recieve kaya tinignan ko ulit siya mula sa malayo at nanlaki ang mata ko 'nang makita ko siya mabilis na tumatakbo sa akin.
Hindi ako nakagalaw agad hanggang sa makita ko na nasa harapan ko na siya. Hinihingal siya kaya binigyan ko muna siya ng oras para habulin ang hininga niya.
"Ano 'to?!" tanong niya sa akin sabay pakita ng text ko.
"Text?" walang malay ko na sagot.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Sa tingin mo papayag ako na hayaan ka sumakay mag-isa sa tricycle at pumunta sa malayong lugar?"
Napakurap ako sa tanong niya. "Oo?"
"Syempre hindi!" hindi ako agad naka-reak sa kaniya, tinitigan ko lang ang inis niyang mukha.
Bakit ba 'to nagagalit?
"Nag-aalala ka ba na baka may mangyari sa akin?" hindi niya ako sinagot at umiwas lang ng tingin. "Ah, don't worry kaya ko naman ipagtanggol sarili ko, malakas naman ako." poker faced ko sagot sa kaniya.
Tumingin siya uli sa akin at mas lalo nag-dilim ang anyo niya parang may gusto pa siya sabihin pero mukhang pinipigilan niya nag sarili. Ano na naman ba?
"Psh. kahit na! magkasama tayo sa tricycle!" Hinila niya ang manggas ng jacket ko at agad na pumara ng tricycle.
Hindi sana ako sasakay dahil ayaw ko talaga na sabay kami pero pinatong niya ang kamay niya si ulo ko at pinayuko, siya na mismo ang nag-sakay sa akin sa tricycle, lalabas na sana ako pero mabilis siya umupo sa tabi ko binigyan niya ulit ako ng masamang tingin bago kausapin si manong driver.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...