-16-

9 1 0
                                    


Hug 

Ayoko na, ayoko na, ayoko na. 

Ubos na ubos na ang english ko, wala na ako maisip! Upod na din ang kuko ko at ang keypad ng laptop ko! Mock research lang dapat 'to pero bakit napakahirap?! Mabuti pa sila Mena, easy lang ang buhay wala talaga sila pakialam sa research paper namin. 

Kahit binibigyan kami ni ma'am Perez ng oras para gawin ang research ay hindi man lang sila lumalapit sa akin, mas nakatambay pa sila sa mga ibang group. 

"Sorry Akira, sa may library muna ako ngayon, we're going to do our research e." pag-papaalam sa akin ni Dana, pagod na tumango ako sa kaniya. 

"O-Okay lang," at ngumiti ng pilit. Inabot ko na din sa kaniya 'yung lunch niya kasi sure ako hindi kami makakasabay kumain. 

"Are you okay? Do you need my help?" 

Mabilis ako umiling sa kaniya. "Okay lang, malapit ko naman na matapos 'yung paper namin." 

Alanganin pa umalis si Dana kung hindi ko pa siya tinulak papunta sa groupmates niya ay baka hindi na siya umalis. Hindi naman kasi ako makapag-sabi sa kaniya dahil may paper din siya iniintindi at sigurado ako ay tutulungan pa niya ako. AYoko na problemahin pa ako ni Dana. 

Hinanap ng mata ko sila Mena, huling beses ko na susubukan na kausapin sila. KAhit sa text ay hindi na sila nag-rereply at kung magrereply man sila ay lagi nila sasabihin na busy daw sila, pero kapag naririnig ko naman ang kwentuhan nila ay mga gumagala lang naman pala sila. 

"M-Mena, about sa research nati--" 

"May pupuntahan pa ako. Hindi mo pa ba tapos 'yan?" irita niyang sabi habang abala sa pag-aayos ng mukha. 

Kumuyom ang palad ko, pigilin mo ang sarili mo Akira, babakat ang kamay ko sa mukha niya kapag nainis ako. 

"H-Hindi pa kasi medyo m-mahirap k-kaya baka p-pwede kayo tumulong?" 

Tumigil siya sa pag-aayos at iritang tumingin sa akin kahit si Arwin ay ganoon din. SIla pa talaga ang may ganang mainis? Eh wala na nga silang tinulong sa akin? 

"Busy nga kami." giit niya. 

"Busy naman saan?" naiinis na talaga ako. 

"Why are you asking ba?" singit ni Arwin sa amin. Pulang pula na ang labi niya, gusto ba niya paduguin ko yun?! 

"Kasi project natin 'to baka gusto niyo tumulong para sa grade niyo." 

Sabay pa nila ako inirapan. "Kaya mo na 'yan." at tumayo na sila. 

Aba hindi kayo pwede umalis na lang basta!

"T-Teka, kailangan niyo ko tulungan!" sabi ko sa kanila habang hinahabol sila. 

"Kaya mo na nga 'yan. Kami na lang magpapa-print." at mabilis silang tumakbo paalis. 

Agghhh! Kaya ko naman sila habulin pero ayoko na may panibagong issue na naman ang lumabas, Pagod na bumalik ako sa room namin at niligpit na ang mga gamit ko. Sa hideout na lang ako tatambay, parang naubos na ang lakas ko eh nakakadalawang subject palang namain ako ngayon araw. 


"Clyde~" 

Parang nagkaroon ako ulit ng energy 'nang makita ko si Clyde sa hideout namin, mukhang naglilinis siya. Mabuti naman at nandito siya kasi parang mababaliw na ako kung mag-isa na naman ako gagawa ng research paper namin. 

"Kamahalan," naglakad ako palapit sa kaniya at basta na lang siya niyakap. 

Napabuntong hininga ako dahil gumaan na agad ang pakiramdam ko habang yakap yakap siya. Binaon ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya. May aura talaga si Clyde na nakaka-relax parang ligtas ako at I feel free kapag nasa malapit siya. 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon