Comfort
Mas lalo ko binaon ang mukha ko sa dibdib ni Clyde, hindi na ako umiiyak pero nanatili pa rin ako nakayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal magkayakap sa tingin ko ay matagal tagal na kasi naka-upo na sa sahig si Clyde habang naka-upo ako sa pagitan ng hita niya.
"Kamalahan, baka pwede mo ko'ng tignan? Gusto ko lang tignan ang mukha mo. Pwede ba?" bulong niya sa akin.
Dahan dahan ako umangat ng tingin at agad na sinalubong ako ng tingin ni Clyde, there's something in his eyes na kapag nakatingin ako doon ay nagwawala ang systema ko.
He is looking at me softly with a warm smile. "Your eyes are red," at marahan na hinaplos ang mga mata ko.
"Sobra ba?" Ayoko naman umalis dito ng namumula ang mata, baka kinabukasan ay may kumakalat na nag-ddrugs ako.
"Hindi naman masyado. Masakit ba? You want me to get some ice for your eyes?" malambing niyang sabi.
Niyakap ko siya lalo ng mahigpit kasi ayoko siyang umalis, gusto ko na dito muna kami. Mukha naman na-gets niya ang ibigsabihin nun at tumawa ng mahina.
"Okay, Hindi na ako aalis. Dahan dahan lang naman sa pag-yakap kamahalan ma-pipipi ako niyan." sabi niya na may konting ngiwi.
Oo nga pala mas malakas pala ako sa kaniya.
"Sorry," at binaon ko ulit ang mukha ko sa dibdib niya.
Wala ulit nagsalita sa amin pero kahit na ganoon ay hindi ako nakaramdam ng pagka-ilang sa kaniya ganoon siguro dahil sobrang gaan talaga ng loob ko kay Clyde. Yung tipong kahit anong gawin niya yata ang magiging kumportable ako.
Hindi ko na nga naisip na baka may klase pa si Clyde, ayoko talaga siya umalis kasi baka kapag iniwan niya ako ay bumalik ang galit ko kela Mena at kung ano na naman ang magawa ko.
"Sorry, Clyde." Hindi ko mapigilan na sabihin.
"Hmm? Bakit?"
"Kasi na-stuck ka kasama ako, nag-absent ka pa tuloy sa klase mo."
Naramdaman ko na hinaplos niya ang buhok ko. "Wala lang 'yon, at saka sa tingin mo ba hahayaan kita mag-isa sa ganitong sitwasyon?" umiling ako bilang sagot. "In fact, masaya nga ako na ayaw mo ako paalisin. May pagka-clingy ka pala." pang-aasar niya sa akin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Ayaw mo ba?"
"Ha? Gusto ko nga e, gustong gusto. Kung pwede lang 24/7 tayong ganito ayos lang sa akin." sagot niya sa akin.
"Weh?"
"Nako, kamahalan, huwag mo ako hinahamon baka ikaw sumuko kapag pinakita ko kung gaano kita ka-gusto kasama." tumingin ako ulit sa kaniya and something cross his eyes.
"Abusado ka pala eh." pambibiro ko.
"Hindi ako tumatanggi sa grasya, kung gusto mo ako yakapin open arms pa kitang sasalubungin." at nanlaki ang mata ko nang bigla niyang halikan ang tungki ng ilong ko.
Natigilan din siya at mukha na-realize niya kung ano ang ginawa nya. Nanatili lang ako nakatingin sa kaniya, sa sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa sigurado ako ay rinig na rinig nya ang tibok ng puso ko.
"S-Sorry, nadala lang sa bugso ng damdamin." alanganin niyang sabi pero mukha anamn hindi siya sincere sa pag-sosorry niya. "Bakit kasi ang cute mo?"
"Aba, sinisi mo pa talaga ako?" nakanguso kong sabi. Bat parang kasalanan ko pa?
"Huwag ka ngumuso baka madala na naman ako." pang-aasar niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pagkatapos ay pinakatitigan ko ang mukha niya. Okay lang sa akin na yakapin niya ako, okay lang din na sobrang lapit namin sa isa't isa, pati nga ang simpleng paghalik sa ilong ay ayos lang. Hindi duma-daan ang isang araw na hindi kami magkasama, kapag naman hindi kami magkasama ay magkatawagan kami hanggang umaga.
BINABASA MO ANG
My Love, So Sweet
Romance"He fell first, He fell harder." Akira Reese, 'anak ng hoodlum' iyon ang tawag sa kaniya, hindi pa nakatulong na meron siya kakaibang lakas kaya lalo siya nahirapan makipag-kaibigan sa mga tao. She's contented just having her family beside her okay...