-14-

10 1 0
                                    




Kuya

"She's dating Clyde? Totoo ba?"

"Sabi nila pinuntahan daw siya sa Clyde sa room nila para i-confirm ang 'date' nila!"

"Weh? True ba?"

"Hindi daw. Napilitan lang daw si Clyde at ang sabi sabi pa eh 'yung 'date' daw is 'punishment' daw talaga!"

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad, for the first time in my life ay hindi ako na-apektuhan sa mga pinag-bubulungan nila, wala ako naramdaman na takot sa tingin nila o kung ano 'man basta isa lang ang nararamadaman ko, kung 'di galit at inis.

"DO you know the guy na sinampal ng friend niya? 5th year engineering daw 'yun!"

"Oh I know Dana, mabait 'yun pero simula nakasama si Akira naging siga na."

"Napansin ko nga, kawawa naman 'yung engineering ang gwapo pa naman."

Talagang kawawa si kuya Rui, bahala siya mapagalitan nila kuya Rhys, sinumbong ko siya sa kanila at balita ko ay binawasan nila papa 'yung allowance niya at hindi pinagamit 'yung kotse sa kaniya sinira kasi niya 'yung seat belt.

Papunta ako ngayon sa hideout namin kung saan hinihintay nila ako. Lutang ako naka-uwi kahapon ni hindi ko 'man maalala kung paano ako naka-uwi sa bahay, kahit si Dana ay lutang din. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon parang lahat ng mga tinatago ko sikreto ay sabay sabay na lumabas sa loob ng isang araw.

Hindi ko din kinausap si Clyde kahapon, 'yung lalaking 'yon! Pagkatapos gumawa ng eksena sa room namin hindi na ulit nagpa-ramdam! Arghhh.

Pagdating ko sa hideout ay agad hinanap ng mata ko si Clyde, hindi na ako nagulat 'nang makita ko siya nakatayo sa harapan ng sofa mukhang kanina pa ako hinhintay.

Nandito din sila Dale, Seth at Dana pero tahimik lang sila nakatayo sa isang gilid, gaya ni Clyde nakatayo sila ng diretso.

Umupo ako sa sofa at seryosong tinignan si Clyde na matapang na sinasalubong ang tingin ko, pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Clyde." tawag ko sa kaniya.

Lumunok siya ng ilang beses bago sumagot. "Y-Yes, kamahalan?"

"Alam mo ba kung ano'ng naging resulta ng ginawa mo kahapon?" seryoso ko tanong sa kaniya.

"Ahh--"

"No, answer this first. Ano ang na kain mo kahapon at bigla mo naisipan gawin iyon?" putol ko sa kaniya at matalim ko siyang tinignan.

"I'm sorry."

"Are you really sorry?" umiling siya. Nagpakawala ako ng hangin at kahit papaano ay kumalma na ako.

Hindi naman talaga ako galit kay Clyde, inis lang kasi nakisabay pa siya kay kuya Rui, hindi 'man lang niya pinatapos ang araw. Wala ba'ng nakarating na balita sa kaniya?

"Wala na ako magagawa, pinag-uusapan na tayo ng buong school and apparently 'yung 'date' na sinasabi mo is 'punishment' daw." sumandal ako sa sofa.

Sobrang creative ng mga tao dito, kahit ang dami naman nakarinig at naka-witness ng totoong pang-yayari ay nagagawa pa nila paikutin at ipagkalat ang maling balita.

"Punishment?! Kailan naging punishment ang maka-date ka?!" binigyan ko ulit siya ng matalim na tingin kaya nanahimik ulit siya. Akala ba niya ay okay na kami?

"Kailan ko ba sinabi na mag-dadate tayo ha?!" hinilot ko ang sentido ko, ahh sumasakit na naman ang ulo ko.

"Nakalimutan mo na?!"

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon