-2-

5 0 0
                                    


Fight 

Hidi mawala sa isip ko ang tweet ni Arnold, nag-sumbong ba si Irene? Pero bakit naman magagalit si Arnold kay Clyde e wala naman ginawang masama si CLyde, ilang beses niya kaya ni reject si Irene.

Ahhh! Bakit ba ako ang na-sstress?! Ako ba si Clyde?! 

"Beh? Okay ka lang? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" napatinging ako kay kuya Ralph ang pang-apat kong kuya, naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. 

"Ah, sorry may naisip lang hehe." palusot ko at kumain na. 

"Hindi mo nagustuhan ang luto ko?" nanlaki ang mata ko 'nang makita ko na nangigilid na ang luha ni papa. 

Mabilis na gumalaw ang kamay ko at sunod sunod na sumubo. "Ha?! Hindi papa  ang sarap kaya!" sabi ko habang sunod sunod ang subo. 

"Dahan dahan baka mabulunan ka." bilin sa akin ni kuya Ren ang pangalawa kong kuya. 

Uminom ako ng tubig at nag-thumbs up kay papa mukhang natuwa naman siya sa ginawa ko. Kumpleto kami ngayon dito sa hapag kainan, mukhang natapos nila kaagad ang mga trabaho nila. 

"Aga niyo naka-uwi kuya," sabi ko sa mga kapatid ko. 

"Hindi tayo sabay nag-almusal kaya dapat sabay pa rin tayo kumain ng dinner." sagot ng panganay si kuya Rhys. 

"Oo nga naman bebe ko, hindi mo ba kami na-miss?" at niyakap ako ni kuya Ryu, siya ang katabi ko siya naman ang pangatlo sa amin. 

Si kuya Rhys ang pinakaseryoso sa lahat at mas ni-rerespeto namin siya kesa kay papa, minsan kasi si papa maluwag ang turnilyo habang si kuya Rhys naman responsable talaga, siya kasi siya ang katulong ni papa sa pagpapalaki sa amin. 

"How's your school?" tanong sa akin ni kuya Rhys, tumango lang ako at sinabi na 'okay'. 

Hindi ko naman pwede sabihin sa kanila ang nangyari kanina kahit gustong gusto ko mag-kwento. Hirap din na wala ako'ng kapatid na babae, wala na nga ako kaibigan na mapag-chichismisan wala pa ako kapatid na babae, pero okay lang the best naman sila kuya. 

"Rui, binabantayan mo ba ang kapatid mo sa school?" tanong ni kuya Rhys kay kuya Rui. 

Ako na ang sumagot para sa kaniya. "Kuya Rhys, okay lang ako sa school saka busy si kuya Rui wala naman bago sa school, ganoon pa rin. Peaceful." 

Mabuti na lang na malayo ang building ng mga engineering sa amin kaya walang nasasagap na chismis si kuya Rui at saka hindi din naman alam ng iba na may kapatid ako sa school. 

"How about your allowance? Do you need extra?" tanong sa akin ni kuya Ren, nagtanong din si kuya Rhys. 

"Ako kuya need ko ng pera." singit ni kuya Ryu pero para lang siyang hangin at hindi siya pinansin nila kuya. 

"May ipon ako kuya saka wala naman ako gastos." totoo naman, nagbabaon pa ako ng lunch saka wala naman ako kasama gumala. 

Tumango lang si kuya at nagbilin na magsabi ako sa kaniya kung may kailangan ako. Nagpatuloy na kami kumain at nakinig na lang sa kwento nila kuya tungkol sa work nila. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang tweet ni Arnold, sana naman keyboard warrior lang siya. Madaming tropa si Arnold baka pagtulungan pa nila si Clyde, kawawa naman. 

Pina-akyat na ako nila kuya sila na daw bahala mag-ligpit, bumalik ako sa pagkakahiga at nag-scroll na lang ulit para tignan kung may bagonng tweet si Arnold, mukhang wala naman kaya baka nag-ooverthink lang ako. 

Nakatingin lang ako sa alarm clock, hinihintay ko ito tumunog. 

Leche. Bakit mas affected pa ako sa tweet ni Arnold?! Ako ba ang pinaringgan? Ako ba ang susuntukin sa mukha? Ako ba si Clyde?! Bakit hindi ako makatulog ng maayos?! 

My Love, So SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon