Chapter 2: LigawXia's Pov
Nakatulog naman akong nang maayos pag katapos ng Q and A ko kay Naya kagabi. Halos pati sa chat ay ginagambala niya ako.
Kumakain ako ngayon, kinakain ko yung niluto ni Mama. Hindi ko na siya nadatnan na nandito pa sa bahay. Ginising niya nalang ako na nakapag-luto na raw siya at kainin ko daw yun bago pumasok.
Habang kumakain naman ako ay may naririnig akong kumakatok.
Nang ganito kaaga? Wala naman akong inimbitahan. Hindi naman nag sabi si Naya na susunduin niya ako ngayon.
I opened the door at nakita ko ang iniluwa nito. It's Elijah.
"Ang aga, bakit nandito ka?" Nakakunot kong sabi. Hindi ko naman maiwasang ma awkward dahil kami lang dalawa ang nandito.
7:00am.. pa naman ang pasok at kasalukuyang 6:20 pa lang. Walking distance lang naman kasi ang school mula dito sa bahay kaya okay lang kahit 6:40 ako pumasok.
"Just checking you out. Huwag kang mag alala, nag sabi ako kay tita." Sabi nito na may ngiti sa labi.
Pinapasok ko siya at pinaupo. Tinanong ko rin kung kumain na siya, ang sabi niya ay hindi pinilit ko siyang kumain pero ang sabi niya ay nag f-fasting siya kaya hindi ko na rin pinilit.
Simula nang umamin sakin si Elijah hindi na naalis sakin yung kaba pag nasa harap at nasa tabi ko siya. Naiilang na ako sa kanya na hindi ko alam ang dahilan.
Nang makatapos ako kumain ay agad ko ring inasikaso ang gamit ko. Nag walis muna ko at sinigurado ko na natanggal ko ang lahat nang naka saksak sa bahay.
Tahimik lang kami nag lalakad. Hindi ko naman magawang maunang mag salita dahil wala naman akong ma-topic sa kanya. Ilang buwan na nang umamin siya pero hanggang ngayon unexpected pa rin ako. Looking at this guy na parang wala lang nangyari, hindi siya na awkward. At ngayon sabay pa kami pumasok. Ang ingay ingay ko pa naman dati tapos tameme ako ngayon.
Tahimik lang ako nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Kamusta naman mga kaklase mo ngayon?" huwow. Concern si pogi!
"Okay lang naman. Himala nga at naging Muse pa ak-" mabigla ako nang sumagot siya.
"Muse? Sino escort mo?" Luh. Oh kalma, baby kalma! Nanibago? Nung grade 10 kasi ay siya ang escort ko haha.
"Si Josh, yung pamangkin ni Ma'am Salvador." Sagot ko. Parang nakahinga naman siya nang maluwag nang malaman niya.
Tumango-tango pa siya.
"May gagawin ka ba this weekend?" Agad niyang tanong sakin. Na ikinagulat ko.
Baka aayain na niya ako mag date. Should I run now? I'm not ready... Hindi pa ako ready na iwan si Mama, marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang makapunta sa Amsterdam at, gusto ko pang makita si Lee ji Eun..
"Hey? Are you okay?" Awkward akong tumingin kay Elijah na may ngiti sa mukha.
Ano ba yung iniisip ko. Syempre, hindi niya ako yayayain mag date. Ang feeling ko naman sa part na 'yun. Malay mo gusto niya papala si Ella, edi sino kawawa. Ako?
"I think, wala naman akong pupuntahan this weekend." Sabi ko na may ngiti sa mukha. Awkward pa rin dahil sa mga naisip ko kanina.
"Teka, ano bang ganap?" biglang pumasok sa isip ko. Kung bakit niya ba ako inaaya.Kailangan mag aktong dalagang Filipina muna, para hindi isiping easy to get.
"Actually, It's our family vacation. My mom wants you to join with us...Pero, alam ko namang hindi ka papayag na ikaw lang. So, I suggest na pwede mong ayain si Naya if you're still uncomfortable with me" He said with a shy expression.
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...