CHAPTER 14

4 0 0
                                    


Chapter 14: I like you, every day.

~

Cydren's Pov

"Evy, anong sabi ko sayo? After mo mag watch you will go to the bed, right?"

"But..I want to watch one more.." She pouted.

Mabuti nalang ay pumasok si Mama sa trabaho. Kung hindi ay kanina pa siya tulog.

"Okay, sige. Last na ha!" Sabi ko at muling sinaksak ang cord ng tv.

While I am busy fixing Netflix, my phone rings.

*Ring!!! 2x

Hindi ko muna 'yun pinansin dahil baka kung sino lang. I didn't expect someone calls me at this hours. It's already 8pm..

Hindi pa nakakailang minuto ay nag r-ring nanaman ito.

*Ring!!! 2x

"Hey, stay here! Manood ka dyan." I said to her and brought my phone answering the call.

"Who is this?" Agad kong tanong.

[I'm in front of your house]

Dahil sa sobrang lalim ng boses ay hindi ko napagtanto kung sino 'yon.

"Okay. Stop it right now. Hindi magandang biro 'to."

[Cydren, I'm not joking. Meet me in front of your house.]

Call ended.

Wala akong ideya kung sino 'yun. Ngunit kilala niya ako.

Wala na dapat akong balak harapin kung sino 'yon, ngunit namamayani pa rin sakin ang koryusidad. Nag bulsa ako ng maliit na patalim kung sakali man masamang tao 'yon ay handa ako.

Kami lang dalawa ng kapatid ko ang nasa bahay kaya naman kailangan kong mag-ingat.

I opened the door like snitching someones house.

Nang tumingin ako sa labas ay wala naman.

Nang agad ko na sana isasara ang pinto ay dumapo ang paningin ko sa gilid at sulok na bahagi ng bahay.

Someone is sitting there like a pale and withered.

Hindi pa man sa kalayuan ay nakita ko ang itsura niya.

Si Archer.

Tumingin ako sa loob ng bahay at nakitang payapang nanonood naman si Evy sa tv. Bahagya kong isinara ang pinto at pinuntahan siya.

"Anong ginagawa mo dito." Malamig na sambit ko.

"I want to see you," Nag-bibiro ba siya? Siguro nga. Parang nakainom, eh.

"Umuwi kana. Maraming tambay dito, baka mapaaway ka pa." Iwas kong tingin sa kanya.

Dahil nakatayo ako sa harapan niya at siya ay nanatiling nakayuko hindi ko alam kung anong reaksyon ang nasa mukha niya.

"Isa pa, paano mo nalaman ang bahay ko." Iretableng sabi ko.

"I asked some of you close friends.." mahinahon niyang sabi.

Ipina-cross ko ang mga braso ko hanggang dibdib.

"Halika. Ipaghahanap kita ng tricycle.." sabi ko at hinawakan ang kamay niya para mapaakbay sa'kin upang tumayo siya.

Ngunit masyado siyang nanlaban kaya nabawi niya ito.

He looked at me. Straight to my eyes. His eyes dull red. Parang kakagaling lang sa iyak.

FALLING FOR YOU EVERYDAY Where stories live. Discover now