Chapter 10: New Character~
"Naiayos niyo na rin ba ang kwarto ni Sir. Tyler?" Tanong ko sa mga kasama kong kasambahay.
"Opo, Manang Yoli" Aniya.
Nag-aasikaso kami ngayon dahil ngayon ang labas ni Don. Francis sa hospital. Nung nalaman nga namin na nagising na siya ay halos mag sitalunan kami sa sobrang saya.
Simula kasi nang ma-admitted sa hospital si Don. Francis ay madalas nalang umuwi si Sir. Tyler sa Mansion. Alam namin na sobra ang trauma niya sa bahay na ito kaya hindi namin siya masisisi kung ang naging desisyon niya ay umalis, para hindi na rin niya masyadong isipin ang mga nangyari. Ngayong nandito na si Don. Francis, paniguradong mapapadalas na ang pag punta niya dito.
"Nako, Manang Yoli. Halos ilang buwan ding naging tahimik ang bahay. Nae-excite ako!" Sabi sakin ni Jose na kinikilig-kilig pa sa sobrang excited.
"Jusko! Hindi lang ikaw!" Natutuwang sabi ko.
"Manang Yoli andyan na po sila!" Sabi ni Jenny na tumatakbo pa papunta sa direksyon namin.
Iniayos namin ang handa at hinawakan ko naman ang cake. May pa surprise comeback party kami para kay Don. Francis. Hawak naman ang iba samin ang ilang ballon at may pa party hat pa.
Nag hintay kami ng ilang minuto. Unti-unti nag bukas ang pintuan at iniluwa nito si Don. Francis at si Sir. Tyler.
"Welcome home, Don. Francis!!!" sigaw namin.
"Woooh!!!"
Kita ang ngiti sa mukha ni Don. Francis. Nakaupo siya sa Wheelchair kita namin kung gaano niya kagustong lumapit samin.
Itinulak ni Sir. Tyler ang wheelchair at pumunta sa direksyon kung nasaan kami.
~
Tyler's Pov
Nag-sabi lang ako kay Manang Yoli na ngayon ang labas ni Don. Francis, hindi ko naman lubos akalain na may welcome back party sila.
"Hello! Don. Miss na kita!" Agad na yakap ni Mang Jose kay lolo.
Kitang-kita sa itsura niya ang saya dahil muli silang nag-kita.
"Masaya naman ako at bumalik na ho ang sigla niyo, Don. Francis." Sabi ni Manang Yoli.
"Salamat, Manang Yoli...Tumatanda kana oh!" Biro pa niya.
"E, henteka..mag handa kayo ng hapunan mamaya dahil pupunta dito ang mga kaibigan ni Tyler..." Sabi niya.
Tumingin sakin si Manang Yoli at Mang Jose. Alam kasi nila na may hindi kami pag-kakaintindihan ni Archer.
Nag kibit balikat nalang ako. That's what he wants, hindi naman pwedeng umalma ako sa kanya. He's too bossy at paniguradong mag tatanong siya nang mag tatanong.
"Sige po, Don. Francis!"
"Oh sha, ako'y iakyat mo muna doon Tyler dahil gusto kong mag pahinga." Utos niya, na agad kong sinunod.
~
Xia's Pov
Nandito ako ngayon sa Milktea Shop (Hey'o Tea) napagpasyahan ko kasing mag part time job. Napagisip-isip ko rin na mahirap na talaga ang college kaya kailangan ko nang makapag-ipon at tumulong kay Mama kahit papaano.
Nakaupo lang ako at hinihintay ang nag check ng mga requirements ko. This is under of Elijah's Dad's Business. Kumbaga tinulungan lang din ako ni Elijah para makahanap ng trabaho. May time kasi na nakwento ko sa kanya na gusto ko nang mag-trabaho.
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...