CHAPTER 4

16 0 0
                                    


Chapter 4: A friend

~

Uwian

Xia's Pov

Late na mag dismissed ang research teacher namin. Halos 7:30 na, cause he decided to start our research next week after the Booth Program.

"Xi, una na ako ha! May lakad kasi kami ni Mom! Late na nga," sabi ni Naya na nag mamadaling mag-ayos ng mga ginamit niya matapos ang discussion.

"Ah, ganon ba? S-sige..ingat ka!" Sabi ko nang nag mamadali siyang lumabas sa room na kumakaway-kaway pa.

Marami na ring nakaalis sa room dahil sobrang late na. Ang naiwan nalang ay dalawa, tatlo sa iba pa naming kaklase at si Pres at Mia.

"Anyways, nauna na si Naya. May kasabay ka pa ba?" May nag salita galing sa likod ko. It's Mia.

I turned my attention to her. At nakita ko ring nakatayo sa likudan niya si Pres.

"W-wala. Pero, walking distance lang naman" sabi ko na nginitian siya.

"Are you sure? I just watched the news last night about what happened, diba malapit lang sa 'inyo yun?" Mia confusedly asked.

I nodded. Napanood din pala niya yun.

"Gusto mo bang sumabay samin ni Pres?" Huy wag na, girl. Baka masira ko pa moment niyo.

"Hindi na. Goods lang ako!" Sabi ko na may okay sign pa.

Nang ibalik ko ang tingin kay Tyler ay nakatingin lang siya at walang reaksyon.

Wala talaga siyang pake sakin, oh.

"Kung ganon, sige kami nalang ang mag lock ng room," she said smiling na binawian ko rin ng ngiti.

"Anyways. Enjoy ka tomorrow sa gala niyo!" Mia added.

Tumango nalang ako at bumaling na sa kanila. At iniwan sila sa room.

Aaminin ko talagang duwag ako. Dahil palagi kong kasabay si Naya pauwi. Lalo na at may nababalitang may holdapan na nangyayari malapit sa lugar namin. Hindi ko naman maiwasan mag-alala lalo na at may mga parte pa sa daan ang walang masyadong tao. Also, It's already late.

Nang makalabas ako sa Campus ay naisipan ko naman na iharap ang bag ko. Para sure na hindi ako manakawan.

Pag labas na pag labas pa lang ay makikita mo na ang mga tindera nag aayos na rin ng mga pwesto nila. Pinag-patuloy ko lang ang lakad para agad na rin akong makauwi.

Nang makarating ako sa medyo walang masyadong tao ay bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay mayroong sumusunod sa 'akin. Halos nanginginig na ang mga binti ko. Nang mag-umpisa akong mag lakad ay sinabayan rin ako ng bilis na lakad ng nasa likuran ko.

Hindi ko na nilingon pa kung sino ito. Hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng napapanood ko o nasa isip ko lang. Halos binuksan ko na ang bulsa ng bag ko at nang may nakapa akong ballpen ay unti-unti ko 'tong inilabas mula sa bag ko.

Hindi ko alam kung ano ba ang magagawa ng ballpen, pero mas ayos na rin 'to para pang self-defense kung sakali, kaysa naman sa wala.

Nang binilisan ko ang lakad ay ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. Dahil sa taranta ay gusto ko na siyang sugudin ng ballpen. Huminga ako ng malalim bago humarap at bumilang sa isipan.

"Isa..."

"dalawa"

"Ahhhhh!!!" halos mapatalon at atakihin ako sa puso nang makita ko kung sino ang taong akala ko ay sumusunod sakin.

FALLING FOR YOU EVERYDAY Where stories live. Discover now