Chapter 13: Worth of time, spending it with you.~
Xia's Pov
Buong byahe lang ako natulog. Siguro dahil na rin sa pagod. Hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng bahay.
"Pres." Sabi ko nang siya ang makita pag-gising ko.
"We're here." Sabi niya na may ngiti sa labi.
Nang maalala ko ang lahat ay agad akong bumangon para ayusin ang sarili. Ako yata ang nahihiya sa kanya ngayon. Halos hindi ko na siya matitigan sa kahihiyan.
"Bakit hindi mo ako ginising," Sabi ko at badyang bumaba sa kotse.
"I don't want to bother you. Alam kong pagod ka." Sabi niya.
Ang akalain ko pa naman ay siya ang mahihiya sakin. Bakit naman nabaligtad.
"Thank you ulit, Pres." Sabi ko at nginitian siya.
"Yung...about kanina, siguro baka pagod lang kaya nasabi ko 'yun. I didn't mean everything.." Sabi ko at nahiyang yumuko.
"What do you mean, you didn't mean..So, you don't like me?" Tumingin ako sa paligid kung may nakarinig ba nun. Salamat nalang at wala.
"Hindi sa ganun. Gusto kita, but..I didn't plan to confess you in that way..Pero kasi, birthday ko. Nakaplano nang aamin ako sayo.." Sabi ko.
Nakita ko ang ngisi niya sa kawalan. Na para bang nakarinig siya ng makakapag pangiti sa kanya.
"I understand. I also didn't expect it. But, I hope after that confession we can still communicate like what we used to be." Ako nga dapat ang nag sasabi niyan, eh.
"Oo naman. Ayun rin naman ang gusto ko..." Sabi ko at tumango. "Paano ba 'yan. Mataas na rin ang gabi..for sure hinihintay kana ni Mang Jose.." Sabi ko.
"Oh, Xia! May kaibigan ka papala dyan. Papasukin muna at kanina kapa hinihintay ng mama mo sa loob," Sabi ni ate Esther. Kapitbahay namin.
Napakamot ako sa ulo, "Ah..gusto mo pa ba pumasok sa loob? May hinanda kasi si Mama.."
Masyado na ang lalim ng gabi. Ayos lang kung hindi siya pumayag.
"Why not." Bakit lord?! Kanina mo pa ako binibigo.
Dahan-dahan ko siyang inaya sa bahay. Hindi ko Alam kung sino-sino ang nasa loob. Wala akong ideya kung sino ang nandoon.
As I open the door and biggest embarrassment is waiting for me inside.
"Happy 18th Birthday, Xiandria!!!" Rinig kong sigaw nila.
Nang masabi nila 'yun ay halos matigilan sila nang makita si Tyler.
"Girl, parang kami naman ang na-surprise.." sabi ni Naya hawak ang isang cake at bahagyang lumapit sakin.
Nilakihan ko ng mata si Naya. Siya lang kasi ang may alam na may gusto ako kay Pres.
"Thank you po!" Agad kong ngiti sa kanila.
"Ah, kaibigan ko nga po pala. President namin, ma. Si Tyler po." Sabi ko at ipinakilala ito kay Mama.
Nakita ko naman sa likuran niya si Sir. Lucas kaya pinakilala ko na rin.
"Sir. Lucas si Tyler po, classmates ko." Sabi ko at kinamayan niya ito, agad naman itong tinanggap ni Pres.
"Good evening po, tita and tito." Nagulat ako sa biglang sabi niya.
Hindi ko masisi ang sarili kong mahiya kay Pres dahil sa biglaang pag-amin namin sa isa't isa.
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...