Chapter 5: She fell~
Condo
Tyler's Pov
It was almost 11:30am.. when I came back to the condo. Galing kasi ako sa gym at nag groceries ako ng pwede naming makain mamaya, also for my daily food. I already called Manang Yoli to prepare some food like Beef Steak and her specialty menudo at ihatid nalang nila dito mamayang 2 o'clock.
Tinawagan ko na rin ang mag lilinis ng condo para mamaya ay maayos.
"Hey, Toffy. Behave huh!" Sabi ko at muling hinawakan ang ulo ni Toffy.
I decided to take a shower first to ensure the needs, also while waiting for Manang Yoli.
~
Xia's Pov
Nang makapag-linis ako ng bahay ay agad ko namang naisip gawin na ayusin ang nga gamit na inihanda ni Mama. Dahil hindi naman kasi ako natuloy na sumama kila Elijah.
Before I forgot, meron pala kaming gagawing project ngayon. Kung hindi ko pa nakita ang chat ni Mia ay nakakalimutan ko ito. Mia said na mag kita nalang daw doon sa tapat ng building at hintayin siya kung sakaling may mas mauuna. She also sent the location para madali nalang namin itong mapuntahan.
Since Saturday naman ay nag decide nalang ako na sumama sa kanila. Nung una ay namroblema pa ako kung sino ang kasabay ko papunta, pero nasagi sa isip ko na malapit lang pala sa amin si Cydren sa kanya nalang ako nag chat.
Kaya ko naman mag byahe pero since bago sa akin ang place na 'yun ay mas okay kung may kasama ako.
Nang matapos ko ang gagawin ay agad ko namang inasikaso ang sarili ko. I just took a shower and inihanda ang susuutin ko. Simple girl lang ang atake natin for today. Basic top lang at trouser shorts also with my snickers and small sling bag na lagayan ng mga abubots.
I'm just waiting for Cydren dahil sabi ko ay sabay na kami. For sure ay magugulat sila Mia, dahil ang alam nila ay hindi talaga ako pupunta.
Ilang minuto ay may naririnig na akong kumakatok sa pintuan. For sure si Cydren na 'yun. I'll make sure that everything is clear, wala akong naiwan na maaring maging problema.
"Shesh, hi bff!" Energetic kong sabi. Samantalang siya ay wala manlang reaksyon. May pagka-nonchalant din, haha.
"Pogi naman!" Sabi ko at ikinabit ang braso sa kanya after locking the door.
Ang akala ko ay aalisin niya ang pag kapalipot ko sa mga braso niya, mabuti nalang ay hindi. I'm comfortable with him.
Nang makaalis kami halos 1:30 na. Baka masyadong maaga kami.
We walked a while hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep. Maybe, ang byahe ay mag estimates 20 minutes. Depende nalang kung hindi traffic.
"Bff-" May sasabihin sana ako nang bigla siya nag-salita.
"Stop calling me, Bff" he said calmly. Nang marinig naman 'yun ay bigla nalang ako napanguso.
"Bakit? Bff na nga tayo, e! Please?" Pag beautiful eyes ko ulit sa kanya.
"Hindi ako sanay, e." Oh! Uncomfortable ba siya! Nope. We're bff's.
"Then, sasanayin kita!" Pag mamayabang ko sa kanya.
Wala na siyang nagawa kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Nang bumaba kami ay nag lakad pa kami. Halos 5 minutes din namin iyon nilakad at idinala kami ng location sa harap ng malaking building. Doon na kami huminto.
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...