Chapter 12: Confession~
Xia's Pov
"Sigurado ka bang kaya mo pumasok?" Halos 1,853 na yatang tanong sa 'kin yun ni Mama simula nang gisingin niya ako.
"Oo nga po." Pag pupumilit ko sa kanya.
Hindi naman na ito gaano kasakit katulad kagabi dahil ginawa ko naman ang sinabi ni Pres. na R.I.C.E method. Sobrang nakatulong iyon.
"Oh sha, sige. Siguraduhin mo ha!" Umalis na siya sa kwarto ko. Papasok na kasi siya sa trabaho.
Humiga ulit ako nang maramdaman kong nakaalis na si Mama. May ilang minuto pa naman ako para mabawi ang tulog ko.
I took a nap for 30 minutes. Agad akong nag-ayos sa oras nang mapansin kong kailangan ko na pumasok.
~
"You look so broken," pang-aasar sakin ni Naya.
"Ang OA mo, hindi naman na gaano kasakit, e." Sabi ko.
"Malas naman. Bukas na ang birthday mo tapos nag kaganyan ka pa!" Hirit ulit ni Naya.
Hanggang mamaya tatapalan ko na ng Gauze ang bibig niya. Inaasar niya talaga ako. Sila nga ang may kasalanan nito! Kung hindi nila ako tinakbuhan, sana hindi ako namali ng hakbang sa hagdan.
"Sayang nga. May promo pa naman yung EK for 2, samahan niyo na kasi ako" I pout, trying to change their mind.
Hindi sila umimik, ibigsabihin lang non ay ayaw talaga nila akong kasama. Bukas na 'yun, eksakto pang birthday ko tapos hindi nila ako sasamahan. Nakakatampo naman sila.
"May gusto ka bang ipabili?" Sabi ni Naya.
Umiling ako. Wala naman akong ganang mag meryenda ngayon dahil busog pa ako sa egg sandwich na ginawa sakin ni Mama.
Looking at my phone staring the EK's post. Yun pa naman ang hinihintay ko. Ang promo nila. Sayang 'yun. 999 for 2 all rides pa.
"Here," Habang nasa atensyon ng cellphone ay narinig ko ang pamilyar na boses dahilan para mapatingin ako agad sa kanya.
Ibinibigay niya sakin yung Banana Milk na iniaabot niya sakin.
"Thank you, Pres." Sino ba naman ako para tumanggi sa bigay niya, di 'ba?
Mag laway kayo. Sabi ko sa isip ko nang makita ang mga kaklase kong nakatingin samin.
After giving that, he also sat in front. Umupo siya sa harapang bangkuan ko.
"What's that?" He noticed what was on my phone.
"Uh, eto? Promo lang sa EK, sayang nga wala akong makakasama, eh! Si Naya may aasikasuhin daw, si Cydren naman mag-aalaga sa kapatid niya, while Eli and Pat ayun busy... Birthday ko pa naman bukas tapos-" napatigil ako nang napansin kong nag over share na naman ako.
I know he's not interested about that. Nakakadismaya lang kasi, sayang ang promo.
"Your ankle hurts that much, right? I told you to get some rest." Sabi niya.
Bakit ba kuhang-kuha niya ang pamumula ng pisngi ko. Lagi nalang siyang nag bibitaw ng ganong salita. Kaonti nalang ay makukumbinsi na ako ni Naya, eh. Baka matalo pa ako sa pustahan namin.
"O-oo nga, pero sayang kasi..Once in a lifetime lang mag promo ang EK. Hindi pwedeng palampasin ko 'to." Pag mamatigas ko.
EK were a dream. Hindi pa 'man ay habang tinitignan ang post ay dumapo ang tingin ko kay Pres. Hindi naman masama kung siya ang tatanungin ko.
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...