Chapter 6: Confused~
Xia's Pov
Anong oras na nang makauwi ako. Sabi na nga ba't baha ang lugar. Mabuti nalang ay pinahatid ako ni Pres.
Thanks to him.
"Pasabi nalang po kay Pres. Thank you." Sabi ko kay Mang Jose bago siya umalis.
Nang makita ko ang bahay ay bukas pa ang mga ilaw.
8:30 nang gabi na ako nakauwi. Baka nga ay gising pa si Mama.
Ngunit nag kakamali ako. Natutulog na siya pero sa upuan. Parang inantok na kakahintay sa'kin.
Dahan-dahan ko siya ginising kahit alam ko na sa sarili ko na pagagalitan nanaman niya ako. Eto na eh, nangyari na.
"Ma..." Nakailang gising ako sa kanya nang bigla siyang dumilat at parang nagulat pa.
"Xi," dahan niyang sabi at bumangon.
"Sorry po, late na ako nakauwi." Hindi ako makagalaw sa sunod na ginawa ni Mama. Hinila niya ako papalapit sa kanya at yumakap.
"Akala ko ay iniwan mo na ako, ang akala ko ay nag layas ka!" Ramdam ko ang pag-aalala at pag patak ng luha ni Mama sa balikat ko. Dahilan para mapangiti ako at niyakap sa pabalik.
"Bakit ko naman po gagawin 'yun. Naiintindihan naman kita, Ma." Sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kanya.
Halos ilang segundo din ang tumagal ang yakap namin sa isa't isa. Nang bigla siyang nag salita at bumitaw sa pag-kakayakap.
"Teka, Kumain kana ba?" Tanong niya sabay punas sa luha.
"Opo. Ikaw?" Tanong ko pabalik.
Tumango naman siya. Pag katapos non ay dahan-dahan siyang tumingin sa suot ko.
"Kanino 'yan?" Nag-tatakang tanong niya.
Alam nga pala ni Mama ang mga damit ko. Ultimo panty ko ay alam niya. Jusko, paano ko 'to ipapaliwanag sa kanya.
"Naabutan po kasi ako ng ulan. N-nanghiram po muna ako sa isa ko pong kaibigan," paliwanag ko.
Tumango nalang siya. Pero halatang hindi naniniwala. Hindi na ako umimik pa at nag punta na rin kami sa kanya-kanya naming kwarto.
Agad kong inasikaso ang sarili ko ay naligo nalang muna.
I'm doing my night skincare nang masagi sa isipan ko yung jacket na pinahiram sakin ni Pres.
Kung paano ko ba 'yun isasaoli sa kanya 'yun. Paniguradong namang mag tataka ang mga kaibigan at kaklase namin kung ibigay ko 'yun nang basta-basta lang. Tyaka baka bigyang malisya pa ni Mia. Ayoko namang may ganong mangyari.
Naisip kong mas mabuting sila nalang ang itanong ko.
Nag dalawang isip pa ako kung ako ba ang unang mag c-chat. Hindi naman kasi kami friend sa friends. Baka isipin niya binibigyan ko nang malisya ang ginawa niya.
Talaga naman.
Chinat ko siya using messenger. Baka naka off ang kaniyang message lalo na baka hindi 'iyon agad makita. Baka mapunta lang 'yun sa spam.
~
[MESSENGER]
T
yler Israel Salvendino •
9:05pm..
Ako: Good evening po : D
YOU ARE READING
FALLING FOR YOU EVERYDAY
Teen FictionSTORY #01 Falling inlove is a common feeling when you like someone..and for that love, you will do everything to fight for it. The President Tyler Israel Salvendino is an Academic Achiever and one of the pride of their school. A type of hindi nag...