CHAPTER 11

4 0 0
                                    


Chapter 11: Soft side

~

Xia's Pov

We're listening to Sir. Rox sub teacher siya ni Sir. Gino dahil naka leave ngayon. Since Research ang subject ni Sir samin, yun rin ngayon ang discussion niya. He just adding a some ideas and ways para mapa-improve pa namin ang research namin.

I would say that it can help our team kasi ang iba pala samin ay hindi masyadong maalam sa research.

In other ways, every research subject nag sasama-sama ang bawat team kaya naman mag-katabi kami ngayon ni Pres. Nagulat nga ako dahil ginawa niya akong First mate niya.

"Mahirap talaga ang research kaya naman mag tulungan kayo class, huh!" Sir. Rox cheering us.

Na-motivate naman ang iba samin. Sir. Rox belongs to LGBTQ kaya masyadong ma-chika samin kaya nga close na agad namin, eh.

"We have 10 minutes more. Kwentuhan muna tayo." Naingganyo ang iba samin at lumapit pa ng kaonti sa harapan.

"Sino ba ang muse niyo dito?" Tanong ni Sir. Rox dahilan para ituro nila ako sa harapan. Nakita ko ang naging direksyon ng mata niya na tumama sa 'akin.

"Wow, hindi na ako mag tataka" sabi niya. " Kanina na rin kita napapansin, nakakaagaw ang kagandahan mo," dagdag pa nito.

Nag kantyawan naman ang iba. Nangingibabaw pa ang boses ni Naya at nila Mia.

I smiled at him and looked at Pres. Gusto kong mapansin niya ako. Paano na 'yan? Galaw-galaw, Pres.

"Thank you, Sir." Energetic na sabi ko.

He laughed of my response, "Sino ang Escort?" Tanong niya pa.

"Si Josh po," Sabi ko. Sabay turo sa grupo nila Faye.

Nakita ko ang paglingon niya kay Josh na ikinangiti ko dahil parang sang-ayon din si Sir. Rox.

"Maitsura rin, huh! Ang galing niyo naman pumili ng representative.." aniya.

"Bagay kayo. Kayo ba?" Dagdag pa ni Sir. Rox na ikinalaki ng mata ko.

Grabe naman. Baka mag-selos po ang baby ko, sir.

Rinig ko ang mga kantyawan nila sa'amin nang biglang mag salita si Naya.

"Sir, hindi po. May gusto po kasi si Xia, 'eh" nang sabihin niya yun ay agad kong mas ikinagulat ang kantyawan nila.

"Hindi natin alam, baka nasa paligid lang.." dagdag pa nito.

Nakita ko ang pag lingon-lingon ng mga kaklase ko. Paniguradong wala silang alam..maliban kay Naya.

"Hoy grabe, wala ah!" Lumingon ako kay Naya na may pakindat pa.

Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.

Tumingin ako kay Pres habang humahagikgik patago dahil sa kinikilig. Parang nawala sa wisyo, hindi ko alam kung dahil ba sa lakas ng kantyawan namin o dahil walang kwenta ang topic namin.

Ano pa bang aasahan ko, syempre hindi niya iisiping siya yun :(

~

Sabay kami ngayon ni Cydren mag break time, may aasikasuhin pa raw kasi si Naya kaya hindi namin siya kasama.

"Punta ka Saturday sa bahay ha, if ever na wala kang gagawin. Birthday ko!" Sabi ko at kumagat sa sandwich na gawa ni Mama.

"Try ko, baka mag bantay kasi ako sa kapatid ko, e." Sabi niya sabay inom sa milkshake na binili niya.

FALLING FOR YOU EVERYDAY Where stories live. Discover now