CHAPTER 3

16 0 0
                                    


Chapter 3: Enemy

~

Xia's Pov

"Yes, Friday na bukas!" Masayang sambit ni Naya.

Mag-kasabay kami ngayon ni Naya pauwi. Lagi naman. Unusual, madaldal siya. Hindi nauubusan ng mga kwento. Lahat nalang ay napapansin niya.

"Oh, parang hindi 'yata masaya ang In love ha" pang-aasar ni Naya.

I rolled my eyes on her. Gulong-gulo na yung isip ko dadagdagan pa niya.

"You just..." Iniikot niya mata niya kagaya ng ginawa ko, "...rolled your eyes on me?! I'm hurt ha!" Oa na reaction niya.

Gulong-gulo na kasi ako. Hindi ko alam kung anong desisyon ko. Kung sasama ba ako sa vacation nila Elijah o sasama akong gumawa ng project.

A deep breath comes from me, "Naguguluhan kasi ako, hindi ko alam kung tutuloy ba akong sasama kila Elijah o gagawa ng profs. Ewan, nakaka-stress" sabi ko habang naka hawak sa buhok ko.

"Hoy teh, nakapag-sabi kana kay Elijah, diba? Tyaka, bakit? okay lang naman hindi ka sumama sa pag gawa ng profs ah. For sure, madami naman silang gagawa nun," sabi ni Naya. Ewan ko ba if she's comforting me o mas pinapalala niya lang ang sitwasyon. Hindi ko na talaga alam.

"Kaso, first project kasi namin 'yun e." May halong pag kadismaya sa mukha ko.

"Hay nako. Sorry to offend you, ha! E, muse ka lang naman. Dapat silang mga officers ang gagawa non." She's right. Muse lang naman ako. Bakit kailangan pa ako i-guilt trip ni Pres.

Hindi kaya? Crush niya ako? Gusto niya akong kasama sa condo niya?

Nag f-feeling nanaman ako!

"Oh sha! Mauna na ako. Pag-isipan mo 'yang mabuti girl, ha!" Paalam niya. Tumango ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

~

Condo

Tyler's Pov

I was feeding my dog Toffy when my phone rang.

"Just eat, Toffy!" I said, after give him a food.

I checked my phone. My mom calling...
May balak pa pala silang kamustahin ako, If ever.

Humiga ako sa kama at sinagot ang tawag.

[Tyler? How are you?] My mom happily asked me.

[Are you doing good?] Sunod niyang tanong.

"I'm doing good. Bakit po kayo napatawag?" Bakit hindi nalang nila ako diretsyuhin. Babalitaan nanaman ba nila ako sa naging achievements ng mahal nilang anak.

[Nothing. I'm just happy that your brother got a high score to their quiz. I'm so proud. Ikaw? Kamusta ka naman dyan?]

A miracle? Really? Kinamusta niya 'ko?

"As always, Mom." Simpleng sagot ko lang.

[Hoping na dito kana rin mag-aral, soon! Para makita mo na ang mga kuya mo!]

Who says that I want to meet them?

Wala na akong iba pang sasabihin kaya hindi na rin ako sumagot. We cut the call after saying goodbyes. Wala namang patutunguhan pa.

"Aw! Aw!" Toffy barked.

I looked at him, realizing that It's almost a month after ko siyang bilhin. Nang lumipat ako dito sa condo, siya na ang nakasama ko.

FALLING FOR YOU EVERYDAY Where stories live. Discover now