CHAPTER 15

5 0 0
                                    


Chapter 15: Bad idea

~

Milktea Shop

Xia's Pov

Mabilis nawala si Cydren sa paningin ko kaya hindi ko na nagawang habulin pa siya at dumiretsyo nalang ako sa trabaho.

1st floor in front lang itong milktea shop kung saan ako nag t-trabaho kaya madali lang itong makapukaw ng atensyon. Ang sabi sakin ni Elijah ay 2 months ago pa lang ito i-open.

May isa din akong kasamahan na ngayon ay katulad kong night shift.

"Hi, Xia." Sabi ko habang nag aayos ng mga cups.

"Hello. Chie!" Sabi nito at inaabot kamay.

Tinanggap ko naman ito habang nakangisi sa kanya.

"Ikaw ba yung new employee na sinasabi ni M. Patty?" I nodded.

"Bakit M. Patty?" Curious kong tanong.

"Gusto kasi niya Manager Patty ang tawag sa kanya. Eh, ang haba namab nun. Kaya ginawa kong M. Patty. Pumayag naman siya eh," nakangising sabi niya.

Sabagay. May point naman siya.

We're waiting for costumers to come. Halos 7:00pm pa lang nang gabi kaya paniguradong may darating at may darating pa.

Kakaumpisa ko pa lang pero ramdam ko na ang komportable nito sa 'kin. Mabait ang kasama ko. Chie has a kanal Humour like mine kaya hindi na ako mag tataka kung agad kaming magiging mag-kaibigan.

"Thank you. Come again." Sabay naming sabi ni Chie nang maibigay namin ang isang dosenang order.

Dahil wala pa namang costumer naisipan ko muna punasan ang mga lamesa at mag vacuum.

"Xia, cr lang ako ha." Paalam ni Chie. Tumango ako sa kanya habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

*Ring!! 2x

Agad ko sinagot ang tawag. Galing iyon sa messenger. Wala akong ideya kung sino 'yon. Kakamadali ay sinagot ko lang ito at hindi tinignan kung sino.

"Hi, good evening." Hindi ako nag-kakamali.

I smiled when I recognized his voice. "Bakit ka napatawag?" Kung makikita niya lang kung gaano kalaki ang ngisi ko, paniguradong aasarin nanaman niya ako.

"Honestly, I can't sleep. Pwede bang huwag mo na i-secret yung pinag-usapan niyo ni lolo kanina.." the calm in his voice make me fluttered.

"Bawal nga. Ang kulit." Pag mamatigas ko.

Kahit naman type na type kita, hindi ako sisira sa pangako ko kay Lolo Francis. Mamaya hindi siya bumoto sakin para sayo.

I heard his chuckled. "What's that noise? Nag v-vaccum ka?" Agad kong pinatay ang vacuum nang ma-realize ko ang ingay na dinudulot nito.

"Oo. Nag-lilinis lang ako dito sa shop. May part time job kasi akong in-applayan. So, dumiretsyo na ako dito." Mas mabuting maging open ako sa kanya. Alam niya naman ang sitwasyon ko. Nasa kanya na kung ij-judge niya ako.

"What part time job? Hanggang anong oras shift mo?" Tanong niya.

"Hey'o Tea yung name. Pag mamay-ari ng dad ni Elijah yung shop. Nagpatulong ako mag-apply sa kanya. Since, student pa lang ako. Ginawa nilang 6:30-12:00am ang shift ko." Pag-papaliwanag ko.

"Halos wala ka nang pahinga. Can you share me your location?" Nag taka ako nung una.

Baka titignan niya lang kung gaano kalapit sa condo niya. Malay mo, mahilig din pala siya sa Milktea.

FALLING FOR YOU EVERYDAY Where stories live. Discover now