17

175 9 0
                                    


Renon

Para akong lantang gulay na nakahiga sa isang sofa sa sala habang nakatangang nakatingin sa palabas sa tv. Kanina pa ako nandito at nanonood pero kahit anong panood ko ay parang wala naman akong naiintindihan at wala ring pumapasok sa utak ko.

Lutang na lutang ang isip ko ngayon. Para akong naka-gamit ng ipinagbabawal na gamot sa estado ko ngayon. Sabog ang isipan. Magulo ang buhok. At puyat na puyat.

Kasalanan kasi ‘to nina Akiro, kagabi kasi halos hindi nila ako tigilan sa pagtawag sa cellphone ko. Tanong nang tanong sila sa ‘kin. Inabot nga kaming tatlo ng hatinggabi sa pag-uusap.

Buong maghapon kahapon ay nasa loob lang ako ng aking kwarto. Lumabas lang ako nu’ng tanghali upang kumain at sa gabi naman ay nagpadala nalang ako ng pagkain kay manang. Ayaw ko kasing lumabas. Ayaw kong makita ‘yung taong ‘yon. Hindi pa rin ako naka-move on sa sinabi niya kahapon ‘no.

Walang move on move on dito!

Kaya sa buong maghapon na ’yon ay kinulong ko ang sarili ko sa aking kwarto. Nakahilata lang ako at gumagamit ng cellphone, wala kasi akong magawa.

Tapos kanina, tanghali na akong nagising. Dahil nga puyat ako kagabi pero paggising ko ganu’n pa rin. Puyat pa rin ako!

Wala rin akong gagawin dito sa bahay kung gigising ako ng maaga. Ayaw ko rin makasabay si ano... ‘lam niyo na. Mwehehe.

Isang araw pa lang ng one-week suspension ko pero parang ayaw ko na! Ang boring pala rito sa bahay! Wala akong makausap kasi hanggang ngayon ay wala pa rin ‘yung dalawang babaita, sina Sabel. Maaga raw ang mga itong pumunta ng palengke upang mamili ng mga gulay. Kaya ako at si manang lang ang nandito sa malaking bahay na ‘to.

Nahiya naman akong makipag-usap kay manang kasi baka hindi niya ma-take ‘yung mga sinasabi ko. Medyo madaldal pa naman ako, hehe.

Kaya ang ginawa ko ay nanood lang ako nang nanood, kahit wala akong naiintindihan sa mga pinapanood ko ay go pa rin ako sa panonood.

Gan‘to pala ang nagagawa ng bored. Nagmumukha kang tamad.

Bigla akong napabalikwas ng bangon nang may marinig akong sasakyan na huminto sa labas ng bahay. Muntik pa akong mahulog sa sofa dala ng pagkataranta sa pag-aakalang nobyo ni mama ang dumating.

Inaasahan ko na siya ang iluluwa ng pinto. Bumukas kasi ito. Pero nagulat ako nang iba ang pumasok dito. Isang babae!

“Antoinette?”

“Ren?”

Sabay naming pagtawag sa aming pangalan.

Tama! Si Antoinette nga ang pumasok sa bahay! Siya ‘yung babaeng nakilala ko ro’n mall. ‘Yung kaibigan daw ng nobyo ni mama. Ang ganda pa rin niya. Bagay na bagay sa kaniya ‘yung suot niyang white off-shoulder crop-top na pinaresan ng high-waisted pants. Mas lalong lumitaw ang kaputian niya sa suot niya kahit pa puti ito.

How to be you po.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang mapansing nakatingin siya sa ‘kin at nakangisi nang nakakaloko. Doon ko naalala na wala pala akong suot na damit pang-itaas at tanging dark blue’ng boxer ang suot ko tapos may design pang smiley face sa mismong gitna nito.

Mabilis akong tumakbo patungo sa likod ng sofa at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Takte! Nakita niya ’yung payatot kong katawan! Isang kahihiyan na naman ang naranasan mo, Renon!

Puro ka nalang kahihiyan!

Gan’to ‘yung suot ko kanina pa dahil wala naman akong kasama rito. Maliban kay manang na alam kong wala lang sa kaniya ‘yun. Kung alam ko lang na may pupunta palang tao rito edi sana hindi ako nagsuot ng ganitong saplot!

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now