Gymnasium is on the multimedia. Ctto.
--Renon
Narito na ako ngayon sa cafeteria, kasama ko 'yung dalawa, sina Akiro at Echo. Nakaupo kami ngayon sa isang pwesto sa roon, at sabay-sabay na kumakain ng pagkaing binili namin. At alam niyo ba kung saan nakatayo 'yung cafeteria? Siyempre hindi, haha joke.
Kung naaalala niyo pa 'yung nakita ko kanina ro'n sa taas ng silid namin. 'Yung gusaling katabi ng malawak na field, 'yun 'yung cafeteria. Pang-sosyal 'yung kainan dito dahil de-aircon pa. Kaya pala halos saradong-sarado 'yung building kanina pagkakita ko roon sa bintana ng aming room. Now I know.
Pansin ko rin na tanging mga senior high lang ang pumupunta sa lugar na 'yon.
Eto pa, akala ko talaga kanina, inglesero itong si Akiro. At akala ko hindi ito marunong magbiro at puro kaartehan lang ang alam. Pero ang baliw, mas malala pa pala sa kanal ang humor nito. Ang daldal pa.
Hindi nauubusan ng kwento at kung ano-ano ang kinukwento sa amin ni Echo. Kesyo, marami raw na pogi rito sa paaralan, tapos habang nagkukwento kinikilig pa. Ako naman ay hindi maiwasang mapangiwi dahil sa reaksyon nito habang nagkukwento. Si Echo naman ay hindi pinapansin ang pinagsasabi ng kasama namin.
Nalaman ko rin sa kaniya na transferee lang din pala rito itong si Echo pero naging magkaklase raw sila noong elementary. Tapos magkaibigan ang kanilang mga magulang kaya magkakilala sila.
Tanong pa nang tanong sa 'kin ng kung ano-ano. Wala naman akong ibang magawa kundi ang sagutin. Halos ikwento ko na sa kaniya ang buong nangyari sa buhay ko para lang hindi na magtanong eh.
Tapos marami pang sinasabi, 'yung mga kalokohan niya at 'yung iba ay mga kabastusan. Painumin ko nga 'to ng isang galong holy water.
"Hoy, Akiro, itikom mo nga 'yang bibig mo," binawalan ko nga. At inirapan pa ako.
"Hoy ka rin, Renon! Tigilan mo nga ang pagtawag sa 'kin sa buo kong pangalan! T'saka, tigilan mo rin 'yang pagiging feeling innocent mo, 'di bagay," pangtataray nito sa 'kin.
Napailing naman ako sa sinabi nito. Aaminin kong hindi na inosente ang mga bulate sa utak ko, pero 'wag ka! Hanggang ngayon wala pa akong first kiss, oo nagka-nobya na ako pero hindi ko 'yun sinubukang halikan. Baka mamatay ako nang maaga sa kaniyang hininga.
"Hindi naman sarili ko 'yung tinutukoy ko, itong kasama nating bata," pagtukoy ko kay Echo.
Siya kasi ang pinaka-bata sa 'ming tatlo, labing-anim pa lang siya, pero grade 12 na. Galing 'no? Tapos ito namang madaldal naming kasama ay labing-pito pa lang. Ako 'yung pinakamatanda sa kanila.
Nagulat ako nang biglang natawa nang malakas si Akiro, with matching napatingala at may patakip pa ng bibig. Napatingin tuloy 'yung ibang mga estudyante sa direksyon namin. Lakas talaga ng boses ng baklang 'to, sarap pasakan ng saging sa bibig. Haha!
Huminto ito nang mapagod pero bahagya pa ring natatawa. Tinuro pa nito ang binatang nasa kanan ko.
"Ayan? Si Echo, inosente? Duh, kung alam mo lang na nakanood na 'yan ng bol--" napatingin ako kay Echo nang tumayo ito at mabilis na tinakpan ang bibig ni Akiro.
"S-stop it, A-aki," mahiyain talaga 'tong batang 'to. Halata ang pamumula ng pisngi nito.
Mabilis naman na tinanggal ni Akiro ang kamay na nakatakip sa bibig niya. Tapos nginisian pa 'yung isa.
"Sus, nahihiya ka lang. Aww, my little Echo is shy~" pang-aasar pa nito na mas lalong ikinapula ng huli at napayuko, kulang na lang ay umiyak ito. Kaya naman, bilang nakatatanda sa kanila, umaksyon na ako bago pa lumala ang asaran.