RenonKinabukasan, gano’n pa rin ang senaryo sa pagitan namin ng nobyo ni mama. Nagtatratuhan na para bang isang hangin, nararamdaman pero hindi nakikita. Mukha ngang napapansin ni mama ang tensyon sa pagitan namin ng boyfriend niya.
Kanina kasi, habang nag-aalmusal kaming tatlo ay napapansin ni mama na tahimik ako--kami ng kasama niya. Mukhang nararamdaman niyang may maling nangyayari kaya nanahimik nalang din siya. Pero alam kong marami ng konklusyong pumapasok sa isipan niya.
Si Mama pa.
Kahit nang umalis ako sa bahay ay gano’n pa rin. Tahimik pa rin ako. Wala rin kasi akong ganang magsalita ngayon. Sa buong biyahe ay tahimik lang akong nakaupo sa loob ng sasakyan. Hanggang sa makarating na nga kami ng school.
Ngayon, narito ako sa loob ng aming classroom. Kasama ko ‘yung dalawa. Kakatapos lang namin mag-break time, at dito na agad kami dumiretso sa loob ng room. Gusto pa nga sanang mag-stay ng dalawa sa labas, kaso hindi na pwede, bawal na. Kailangan kasi ang bawat estudyante ay dapat nasa kaniya-kaniya nang classroom kapag tapos na break time o kapag time na. Isa ‘yon sa patakaran dito sa school.
Kaya kahit boring dito sa loob ng classroom ay rito nalang kami nag-stay, wala namang ibang pagpipilian eh. Wala rin kasing gurong pumapasok ngayon, maliban sa adviser naming si Ms. Samantha na pumunta kanina upang i-check kaming mga estudyante niya.
Sigurado akong aabot nang isang linggo ang ganitong senaryo sa rito paaralan. Gano’n kasi ‘yung nangyayari ro’n sa school ko dati sa probinsya, kapag simula ng klase ay isang linggong walang turo. Pero kapag tapos na ang isang linggong ‘yon, halos tambakan kami ng mga activities.
‘Di ba, ang galing?
“Hoy, bakla. Ang tahimik mo yata ngayon.” Napatingin ako kay Akiro nang kalabitin ako nito sa balikat.
Tiningnan ko siya nang may halong pagtataka. Mukhang wala na naman ako sa sarili ngayon ah. Hays, kakaisip ko ‘to sa lalaking ‘yon eh. Napailing nalang ako at itinuon ang aking atensyon sa kanilang dalawa.
“Kung anong kina-ingay nitong si Echo ay siya ring kina-tahimik mo. Change personality ‘yan?” mapagbirong dagdag pa nito.
Agad namang kinontra ni Echo ang sinabi niya, “Excuse me, I'm not that noisy, ‘no,” ang conyo nitong sambit na ikina-asim ng mukha ng huli. Ako naman ay bahagyang napangiwi.
Kahapon lang ay parang takot na takot siyang ibuka ang kaniyang bibig at magsalita. Pero ngayon... nevermind.
“Excuse me, I'm not that noisy, ‘no--heh! Tigil-tigilan mo nga ‘yang pagsasalita mo ng english na bakla ka! Nasa pilipinas tayo ngayon at wala sa ibang bansa, kaya magtagalog ka!” Halos ma-stress si Akiro habang sinasabi ‘yon. Ginaya pa nga niya ‘yung sinasabi ni Echo.
Ako naman ay natawa dahil sa bangayan nila. Aaminin kong kahit kahapon ko lang silang dalawa nakilala ay magaan na ang loob ko sa kanila.
Si Akiro ‘yung tipo ng bakla na parang palaging nakatambay sa basketballan at naghihintay ng mga poging player. Gano’n kasi ‘yung personlidad niya. Siya ‘yung tipo ng maloko at madaling pakisamahan dahil sa mga kalokohan niya. Si Echo naman ay ‘yung tipo na anak-mayaman. Laking aircon, well pareho naman silang laking aircon. Pero sa Echo kasi, siya ‘yung taong hindi maarte at spoiled brat. Hindi kagaya ng ibang mga anak-mayaman na sobra kung umasta, akala mo ay siya na ang pinakamayaman sa mundo. Hindi ko nilalahat ah, ‘yung iba lang.
Napapansin ko rin ang pagiging malambot ng batang ‘to, pero walang kaso ‘yon sa ‘kin. Hindi ako ‘yung tipo ng tao na homophobic at kung makalait sa kapwa nila ay kulang nalang gawin silang panggatong sa impiyerno. Haha.