21

122 12 0
                                    

Renon

Lumipas ang linggo.

Ang bilis ng oras. Ka-aalis lang kahapon nina Sabel tapos linggo na naman.

Wala akong ganang tumayo sa kama ko. Tumungo ako sa bintana ng aking kwarto at binuksan ’yon. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko.

Mataas na ’yung init ng araw. Anong oras na ba? Kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa bedside table na nasa tabi ko lang. Binuksan ko ito upang i-check kung anong oras na.

Napahinga ako nang malalim nang makita ko ang oras. Eight pa lang nang umaga. Pero ’yung init parang pangtanghali na. Buti nalang presko rito sa loob ng kwarto ko.

Habang nakatingin sa labas ng bintana, dumako ang tingin ko sa bintana ng kapitbahay namin, ’yung bahay nu’ng Daniel. Nakabukas kasi ’yung bintana niya. So I assume na nandoon siya.

At hindi nga ako nagkamali, ilang sandali pa ay may dumungaw na talaga sa bintana. Naka-topless ito kaya kitang-kita ko ang malapad nitong dibdib. Parang kagaya lang ng sa boyfriend ni Mama... Pero mas gusto ko pa rin ’yung kay Tito.

Pero bakit ko ba sila ikinu-kumpara?

Kumaway ito sa’kin nang mapansin ako kaya kumaway rin ako pabalik. Ipinakita pa nito sa’kin ang hawak nitong tasa na para bang inaanyayahan akong uminom.

Oo nga pala, hindi pa ako nag-bi-breakfast. Para kasi akong walang ganang bumaba.

Tinanguan ko lang ito at binigyan ng isang ngiti. Ilang sandali pa ay umalis na ito roon sa bintana niya kaya napagpasyahan ko na ring pumunta ng comfort room upang maghilamos.

Hindi pa pala ako naghihilamos. Baka mamaya may muta pa pala ako.

Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ako sa baba. As usual, nadaanan ko ’yung kwarto nina Mama at medyo naka-awang ’yung pinto. Sisilipin ko sana kaso pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya kung ano pa ang makita ko sa loob.

Naabutan ko si Mama sa kusina na naghahanda ng almusal, kasama nito si Manang.

Pansin ko ang pananahimik ni Manang, mukhang malungkot pa rin sa pag-alis ng dalawa niyang apo. Ako nga nalulungkot din eh, wala na akong makaka-kwentuhan kapag nandito ako sa bahay. Boring kaya ng mag-isa.

Dahil mukhang busy sila at hindi ako napansin, nagsalita na ako, “Good morning, Ma, Manang,” pagbati ko sa dalawa at lumapit sa pwesto nila.

Naamoy ko ang niluluto nilang almusal. May itlog, hotdog, at bacon. Kung kanina ay parang wala akong ganang mag-almusal, ngayon ay para akong asong naglalaway nang maamoy ko ang niluluto nila. Favorite ko pa naman ang mga ’yon. Lalo na ’yung hotdog.

“Oh gising kana pala anak. Good morning din,” pagbati ni Mama pabalik. “Umupo kana riyan dahil malapit na tayong mag-almusal.” Sinunod ko ang sinabi niya. Hinila ko ang ang isang upuan at umupo roon.

Pagkaupo ay sakto namang inilapag ni Manang ang isang tasa na may lamang gatas. Nagpasalamat ako rito at sinimulan iyong inumin.

“Good morning.” Napatingin ako sa nagsalita. Doon ko nakita ’yung boyfriend ni Mama, pero agad ko rin iyong binawi nang mapansin ko ang ayos nito.

Potek. Bakit ang gwapo ng ayos niya ngayon?

I mean, gwapo naman siya palagi. Kahit mukhang bagong gising. Bagay sa kaniya ’yung messy hair tapos ang lalim pa ng boses.

Napailing ako.

Tangina... Lagi kong sinasabi na magmo-move on na ako sa nararamdaman ko sa kaniya, pero eto ako ngayon, laging napapansin ’yung mga magagandang bagay mula sa kaniya.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now