29

151 7 2
                                    

W: mature content ahead. Reader discretion is advised.

Renon

Parang bigla akong nabalik sa sarili nang maramdaman kong mas lumalalim pa ang ginagawa niyang paghalik sa'kin.

Bigla akong nagkaroon ng lakas at mabilis na itinulak siya palayo.

"T-tito! Anong g-ginagawa mo? Lasing kana!" Hindi ko mapigilang mautal habang sinasabi iyon.

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang mapagtanto ang ginawa ni Tito Lucio.

Putangina! Hinalikan niya ako!

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lambot ng labi niya. Bumaba ang tingin ko roon at napalunok. P-parang ang sarap kagati--stop!

Tumigil ka, Renon! Tandaan mo boyfriend 'yan ng mama mo!

Huminga ako nang malalim at pilit na ikinakalma ang naghuhurumentado kong puso. Kulang nalang ay lumabas ito sa dibdib ko sa lakas ng pagtibok.

Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng nararamdaman ko ngayon? Hinalikan ako ni Tito Lucio! 'Yung taong gusto ko ay hinalikan ako!

At siyempre kakabahan ako! Hindi ko alam pero halo-halo ngayon ang nararamdaman ko. Gusto kong mag-assume pero hindi pwede dahil sa tingin palang sa lalaking 'to lasing siya.

At baka nagawa niya 'yon dahil lasing lang siya...

Tama. Baka 'yon nga. Kaya 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano riyan, Renon.

Muli akong tumingin kay Tito Lucio na ngayon ay nakatingin pa rin sa'kin gamit ang namumungay nitong mga mata. Hindi ako komportable sa mga titig niya pero pilit ko iyong hindi pinapansin.

Bahagya akong lumapit. "Lasing ka, Tito, iaakyat na kita sa kwarto mo." Amoy ko kasi ang alak sa katawan niya. At kahit hindi ako tumugon sa halik niya kanina, nalasahan ko 'yung alak sa bibig niya.

Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala nang may mapagtanto. Ibig sabihin nag-drive siya ng lasing? Paano kung naaksidente siya?

Huminga ako nang malalim at kinuha sa marmol na sahig 'yung dala-dala niyang bag kanina.

Gusto ko siyang sermonan dahil sa ginawa niyang pagdadrive ng lasing. Napakadelikado kaya no'n. Baka imbis na bahay ang uwian niya, sa ospital siya babagsak. Hays.

Pero bakit ba siya uminom? May problema kaya?

Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip. Hindi ko naman kasi nakikitang naglalasing 'to si Tito Lucio eh. Oo umiinom siya pero hindi ko pa siya nakikita sa ganitong estado. Nakapagtataka tuloy.

Inilagay ko sa sofa ang mga gamit ni Tito at balak ko na siyang alalayan paakyat sa kwarto niya ngunit bigla itong nagsalita.

"Ren... Renon..." Saad nito sa pangalan ko habang nakatingin pa rin sa'kin.

Parang bigla akong pinagpawisan nang marinig ko ang boses niya. Kakaiba kasi 'yung dating ng pagtawag niya sa pangalan ko eh. Parang... nang-aakit.

Potek! Kung ano-ano na naman ang naiisip ko!

Pilit kong binabalewala iyon. Lumapit ako sa kaniya. "Tara na, Tito." Sabi ko pero hindi ito naglakad bagkus nakatingin pa rin ito sa'kin.

Umiwas ako ng tingin at naglalakad na sana ngunit bigla akong nanigas nang marinig ko ang sunod nitong sinabi.

"You... Don't you like my kiss? Hmm?" Dahil sa sinabi niyang iyon ay bumalik sa'kin 'yung ginawa niya kanina lang.

Muntik ko nang nakalimutan 'yung ginawa niyang paghalik sa'kin dahil sa pag-aalala ko sa kaniya.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now