18

168 12 0
                                    


Renon

Narito ako ngayon sa kusina, at kung anong ginagawa? Naglalaba—syempre nagluluto. Kasama ko ‘yung dalawa, sina Sabel at Amely.

Pagkatapos nilang mamalengke, diretso agad sila sa kusina upang magluto ng tanghalian. Siyempre, dahil wala naman akong gagawin bukod sa maghilata, napagpasyahan ko nalang na tulungan silang maghanda.

Nagtaka nga ako kung bakit hindi si manang ang magluluto, kasi sa pagkakalaam ko, siya ang taga-luto rito sa bahay. Pero sabi ng dalawa sila raw ang nakatoka rito sa kusina, si manang naman ay nagpapahinga muna. Maaga raw kasing nagising ‘yon kanina upang ipaghanda ng makakain sina mama dahil maaga ‘yong umalis.

“Wow, hindi ko alam na magaling ka rin palang magluto, Ren.” Siyempre, paano nila malalaman, eh ngayon lang ako nagluto rito sa bahay.

Nu’ng kami lang kasing dalawa ni mama na magkasama roon sa dati naming bahay, ako ‘yung nagluluto minsan dahil abala siya sa pagtitinda noon. Si mama rin ’yung nagturo sa’kin kung paano magluto. At bukod sa pagluluto, mahilig din siyang magbake ng mga cupcakes. Lalo na ’yung mga kakanin, kagaya ng puto at ’yon din ’yung tinitinda niya.

Sayang nga lang at wala kaming mga gamit noon sa paggawa ng mga cupcakes kaya hindi niya na iyon napagtuonan pa ng pansin.

Nginitian ko si Sabel, “Siyempre, bukod sa gwapo ako, magaling din akong magluto.”

Kitang-kita ko ang pag-ngiwi ng dalawa kong kasama dahil sa sinabi ko, pero ngumiti lang ako at ibinalik ang aking pansin sa pagluluto.

Hindi nila alam marami pa akong hidden talents na nakatago.

Hidden talents na nakatago???

“Grabe ah, pinuri ka lang naging mahangin kana,” Kagaya nang ginawa ko kay Sabel, binigyan ko rin ng matamis na ngiti si Amely.

Hindi dapat ako magpaapekto sa lantarang pagtutol nilang dalawa sa mga sinabi ko.

Good vibes lang.

--

Napasandal ako sa upuan habang hawak-hawak ang aking tiyan. Busog na busog ako, kakatapos ko lang kasing kumain--i mean, kakatapos lang naming kumain. Pinasabay ko na kasi si Manang at ’yung dalawa na kumain kasama ako, since wala naman sina mama. Medyo naparami pa naman ’yung niluto kong ulam.

Ayaw ko namang kumain nang mag-isa, ’no.

Kaya eto ako ngayon, halos hindi na makakilos dahil sa sobrang busog. Hindi ko na nga natulungan ’yung dalawang magligpit ng hapag-kainan eh, pero sabi nila sila nalang daw ang magliligpit at maghuhugas.

Okay na rin ’yon sa’kin kasi para talagang hindi ako makakilos. Pinilit ko nga lang na tumayo at maglakad patungo sa sala eh, ayaw ko naman kasing makaabala roon sa dalawa habang nagliligpit sila sa hapag.

Ngayon, nakaupo ako sa mahabang sofa rito sa sala. Binuksan ko ’yung TV at naghanap ng channel na may magandang palabas. Puro kasi documentary ang palabas eh.

Buti nga at marami akong pagpipiliang channel eh, hindi kagaya ng binenta naming TV ni mama dati na iisa lang ’yung pagpipiliang channel tapos malabo pa ’yung tao, hindi makita nang maayos.

Inabot din ako nang ilang oras doon sa sala kanonood, sinamahan nga ako nina Sabel at Amely na manood e, since nakatapos na sila maghugas.

Actually, inaya ko lang sila. Kaysa naman maglinis agad sila rito sa loob ng bahay e, katatapos lang nilang kumain. Okay lang naman na magpahinga sila nang ilang sandali, as long as nagagampanan nila ’yung trabaho nila.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now