A: Hello! Thank you guys for adding this story to your reading lists. And sorry rin for the late update! Happy reading!
---Renon
"Hmm."
Napa-ungot ako nang marinig ko ang pagring ng cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa mawala at patuloy sa pagtulog.
Sobrang inaantok ako ngayon. Parang ayaw kong umalis dito sa malambot kong kama at matulog magdamag.
Kaso paano ko 'yon gagawin kung ring nang ring itong cellphone ko!
Sino ba 'yung tumatawag ng ganito kaaga?!
Wala akong nagawa kundi pilitin na igalaw ang katawan at kunin ang tumutunog na cellphone na nasa bedside table ko.
Hindi ko binasa 'yung pangalan ng caller at basta-basta lang na sinagot. "Hello? Sino ba 'to?" Tanong ko gamit ang namamaos kong boses habang nakapikit pa.
Inaantok pa talaga ako. Gusto ko pang matulog pero may nanggugulo!
Nakahiga pa rin ako sa kama habang nababalutan ng kumot ang buong katawan ko, maliban sa ulo.
"Hoy! Renon! Bakit hindi ka pumasok, ha?!" Agad kong inilayo ang hawak kong cellphone sa aking tenga matapos kong marinig ang nakakabinging sigaw na 'yon mula sa kabilang linya.
Napahawak ako sa tenga nang maramdamang sumakit iyon. Parang nabasag 'yung ear drums ko dahil sa sigaw ng kausap ko. Sa boses pa lang nito, kilala ko na kung sino.
Kinamot ko ang ulo ko habang nakapikit pa rin. "Ang aga pa, Aki. Mamaya na ako papasok." Saad ko pagkatapos ay dumapa ako sa kama.
Gusto ko pang matulog!
Hindi ko alam pero parang pagod na pagod 'yung katawan ko. Hindi rin nag-fa-function nang maayos ang utak ko dahil inaantok pa rin ako. Ang nasa isip ko lang ngayon ay matulog.
"Anong maaga? Hoy bakla, break time na namin!" Siguro kung personal ko itong kausap, nakita ko na naman 'yung abot langit niyang pag-irap.
Pero sandali.
Anong sabi niya?
Inabot pa ng ilang segundo bago ko na-proseso 'yung mga sinabi niya.
Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga at hindi pinansin ang hubad kong katawan. Dumako ang tingin ko sa maliit na orasan na nasa tabi ko lang at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang oras. Tiningnan ko pa 'yung hawak kong cellphone upang i-check kung tama 'yung nakita ko at totoo nga!
"Shit! Alas nuebe na!" Hindi ko mapigilang mapamura.
Hanggang sa bumalik sa alaala ko 'yung mga nangyari kagabi.
Halos mapamura ako sa isipan nang muling maalala 'yung nangyari sa amin ni Tito Lucio.
Parang isang sirang plaka na paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko 'yung mga nangyari rito sa kamang hinihigaan ko. Bumalik sa alaala ko 'yung mga ungol na lumabas sa bibig ko habang gumagalaw siya. 'Yung pagmamakaawa ko na bilisan niya pa. 'Yung pagpapalitan namin ng mga laway at pag-eespadahan ng aming mga dila.
Putangina!
Marahas kong sinabunutan ang sarili at sumigaw nang mapagtanto kung ano 'yung mga nangyari kagabi.
May nangyari sa amin ni Tito!
Hindi ako makapaniwala. Halos mabaliw ako habang paulit-ulit na pumapasok sa isip 'yung mga nangyari kagabi. Kulang nalang tanggalin ko 'yung utak ko at itapon kung saan upang hindi ko na maalala 'yon.