Please beware of grammatical and typographical errors ahead.
--Renon
Bigla akong nagising dahil ramdam kong para bang bigla akong mahuhulog sa isang malalim na bangin.
Napabalikwas ako ng bangon at napahilamos ng mukha nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari.
Takte, tanghaling-tanghali nananaginip ako. Ang galing!
Kinusot ko ang aking mga mata upang tuluyang makapag-adjust ang aking mga mata. Tumayo ako at umalis na sa kama. Kinuha ko ang mamahalin kong cellphone hehe, upang tingnan kung anong oras na ba.
Alas dos pa lang ng hapon. Mukhang napahaba yata 'yung tulog ko. Napagpasyahan kong bumaba nang makaramdam ako ng gutom. Dahil kanina pang umaga 'yung huli kong kain ay nakaramdam na ako ng pagkagutom.
Bago ako tuluyang lumabas ay sinilip ko muna kung may tao sa pasilyo ng bahay. Nang makitang wala ay lumabas na ako at dahan-dahan na naglakad patungo sa hagdan.
Nagmistula akong tila isang magnanakaw sa ginagawa ko ngayon. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang lumilingon-lingon sa paligid. Tinitingnan kung nandoon 'yung iniiwasan ko.
Kilala niyo naman siguro kung sino 'yung iniiwasan ko 'di ba? At sinabi ko kanina na iiwasan ko na siya at sisimulan ko ngayon.
Ang totoo ay naguguilty talaga ako sa gagawin kong ito. Naging mabait kasi siya sa akin at binilhan pa ako ng damit at bagong cellphone pero iiwasan ko lang siya. Pero wala akong choice kundi ang gawin ang bagay na 'to dahil baka magsisi ako sa huli kapag mas lalo akong napalapit sa kaniya. Madali pa naman siyang mapagbutihan ng loob dahil sa pagiging mabait niya.
Pumunta muna ako sa sala upang tingnan kung may tao pero wala rin. Napakatahimik ng bahay. Sanay naman ako sa tahimik pero naninibago ako kasi masyadong malaki ang bahay na 'to tapos ang tahi-tahimik.
Hininap ko kung may kasambahay sa loob ng bahay pero wala. Halos nalibot ko na 'yung bahay pero wala akong nakitang miski isang tao. Sa aking paglilibot ay tuluyan ko na ngang nahanap 'yung gym room, ang dami kong nakitang mga gym equipments sa loob ng kwarto.
Gusto ko sanang subukan kaso muli kong naramdaman ang pagkalam ng tiyan ko.
Napagpasyahan ko namang pumunta ng kusina upang maghanap ng makakain dahil nakakaramdam na nga ako ng gutom. Dumiretso agad ako sa malaking ref sa tabi ng pader. Binuksan ko 'yon at tumingin tingin sa loob.
Doon ko nakita ang isang ulam na beef steak na nakalagay sa isang platito at kinuha 'yon. Hinanap ko naman 'yung lalagyan ng kanin at tiningnan kung meron. Nang makumpirma, ay kinuha ko na ang ulam na nilabas ko at sinimulan itong initin sa microwave oven.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa marinig ko ang isang pagtunog na click microwave. Mukhang tapos ng mainit 'yung ulam kaya naman kinuha ko 'yon at inilabas.
Napaso pa nga ako dahil sa katangahan ko. Basta ko lang kasing hinawakan 'yung pinaglagyan ko ng ulam na beef steak, at nakalimutan kong mainit pala. Namula tuloy 'yung mga daliri ko.
Hindi ko kasi nakitang mayroon palang pansapin sa kamay sa ibabaw ng microwave. Lutang na naman kasi ako dahil sa gutom hehe.
Inilagay ko na nga sa lamesa ang ulam na ininit ko at nagsandok ng kanin sa isang pinggan. Pagkatapos ay umupo na ako at nagsimulang kumain.
Habang kumakain ay bigla akong may naisip. Isang araw na pala kaming namamalagi rito ni mama. Sa isang araw na 'yun ay pakiramdam ko parang marami ng nagbago, isa na ro'n 'yung sarili ko. Nagsimula akong maguluhan sa sarili ko. Sa sexual orientation ko. Dahil lang sa nakilala ko ang nobyo ni mama, parang biglang gumulo ang lahat sa akin.