19

148 11 2
                                    


Renon

Lumipas ang mga oras at ito gabi na naman. Ito ako ngayon, nasa loob ng kwarto at nakahilata sa kama ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Tinulungan ko kasi sina Sabel na maglinis kanina ng bahay. Tapos tumulong din ako kay Mang Henry sa paglilinis ng sasakyan. Ang bait ko ’no?

Wala naman kasi akong magawa kanina, ang boring kaya rito. Ayaw ko namang humilata lang nang humilata rito sa bahay. Ayaw ko kasing wala akong ginagawa, oo tamad ako, hindi naman ’yung totally’ng tamad na hindi na kusang kikilos.

Hayy.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa puting kisame.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si mama, kahit ang boyfriend nito hindi pa rin umuuwi. Siguro busy sila masyado sa mga work nila.

Ang dami kong iniisip ngayon.

Nami-miss ko na ’yung dalawa kong kaibigan, sina Akiro at Echo. Hindi kasi sila nagchachat sa gc, busy yata. Hays. Sana talaga hindi ko na pinatulan ’yung bully’ng ’yon, na-suspend tuloy ako.

Kahit isang araw ko palang na hindi nakakausap ’yung dalawa ay parang na-miss ko sila bigla. Lalo na ’yung kadaldalan at kaartehan ni Akiro. Haha. Siyempre gano’n din kay Echo, miss ko na silang dalawa.

Hays.

Tapos ’yung napag-usapan pa naming tatlo nina Sabel. Ilang araw nalang at aalis na sila rito, mami-miss ko sila. Wala na akong magiging kakwentuhan dito sa bahay lalo na kapag mag-isa.

Ayaw kong balikan ’yung naging sagutan namin ng boyfriend ni mama--ni Tito Lucio, kaso makulit ’yung mga bulate ko sa utak e, lahat nalang pinapaalala.

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng lungkot ngayon, hindi ko mai-explain kung bakit.

Hindi pa naman 10 pm eh, tapos eto para akong brokenhearted na nag-o-overthink. Para akong tangang nag-e-emote rito. Kulang i-off ko ’yung ilaw sa kwarto at magpatugtog ng mga sad songs. Haha.

Sa sobrang dami kong iniisip ngayon parang ayaw ko nalang magkaroon ng abilidad na mag-isip.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at ginulo and buhok. Kung ano-anong iniisip ko. Dapat siguro i-unwind ko muna ’yung utak ko. I-relax ba.

Ano kaya kung maglasing ako?

Siyempre joke lang, ayaw kong gumising nang masakit ang ulo ’no, at saka bata pa ako para uminom.

Mabuti pa sigurong ikain ko nalang ’to. Tama, ikakain ko nalang.

Tumayo ako at nagsimulang naglakad nang biglang magring ang phone kong nasa study table. Oo nga pala, naka-charge pa ’yung cellphone ko.

Kunot-noo akong lumapit doon upang i-check kung sino ’yung tumatawag. Doon ko nakita ang pangalan ni mama sa caller ID. Mas lalong kumunot ang noo ko nang malaman kung sino ang tumatawag.

Bakit tumatawag si mama? May problema kaya?

Mabilis ko iyong sinagot.

“Hello, Ma, bakit ka napatawag? May problema ba? Nasiraan ba kayo ng sasakyan? Mag-commute nalang kayo, tulog na si Mang Henry eh. ” OA kong bungad dito at umupo sa upuan na nasa tabi ko.

Narinig ko naman ang pagtawa ni mama sa kabilang linya, Sira ka talagang bata ka, kung ano-anong sinasabi. Gusto ko sanang sabihing hindi kami makakauwi ng Tito Lucio mo riyan sa bahay, kaso ang OA mo ’nak,” sabi nito habang natatawa pa rin.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now