32

132 5 4
                                    

Here's the update! Hope you like it, guys! And also, you can read my new stories na pinublish ko lang last week! Hehe, nag-update lang talaga ako para ipromote'yon.

Happy reading!
---

Renon

"So, ayon nga, bakit hindi ka pumasok kahapon? I mean, ayos lang naman kung hindi ka pumasok, since wala namang magtuturo. Pero kahit na! Dapat sinabihan mo kami!"

Napakamot lang ako ng ulo ko dahil sa sinabi ng kasama ko.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Sasabihin ko ba sa kaniya na kaya hindi ako nakapasok kasi na-late ako ng gising dahil sa nangyari sa'min ni Tito Lucio?

Siyempre hindi.

"Sumakit 'yung ulo ko kahapon, kaya hindi ako nakapasok." Half truth. Totoong sumakit 'yung ulo ko kahapon. Sumabay sa pananakit ng katawan ko.

Siguro dahil first time kong naranasan 'yon. 'Yung makipag-sex. Lagi ko kasing nababasa sa mga story sa wattpad na lalagnatin ka kapag first time mong makipag-sex. Mukhang totoo nga, kasi naranasan ko.

Mabuti nga at okay na ako ngayon. Isang araw lang akong nilagnat. Kaya pumasok na ako kahit ayaw pa sana ni Tito Lucio dahil baka mabinat daw ako.

"Are you okay now, Ren?" Ngumiti ako kay Echo at tumango.

Okay na okay na ako. Magaling 'yung nurse ko kahapon eh. Hehe. Nasa tabi ko lang buong maghapon. Siguro nagi-guilty kasi siya 'yung dahilan kung bakit nilagnat ako.

Nginitian ko rin si Akiro na ngayon ay naniningkit na nakatingin sa'kin. Ininom nito ang hawak nitong frappe.

Nandito kami ngayon café na malapit lang dito sa univ namin. Mabuti nga at hindi na masyadong mahigpit 'yung guard ng school at pinayagan kaming lumabas kahit hindi pa uwian, hindi kagaya nu'ng first day.

"At bakit ka naman nagkasakit?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Kailangan pa bang itanong 'yon?

"P-puyat siguro." Sagot ko at umiwas ng tingin nang mautal ako sa harap nila.

Ramdam ko ang mga titig ni Akiro na tila binabasa ako.

"At bakit ka nauutal?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

Nasa interrogation room ba ako ngayon? Bakit hindi ko alam!

"Hey, stop it, Aki. You're scaring him." Sabat naman ni Echo.

Ako naman ay napangiti. Gan'yan nga, Echo! Pigilan mo ang nakakatakot na bading na 'yan!

Ngiti-ngiti akong iniinom ang iced coffee ko at hindi pinansin ang masamang tingin sa'kin ni Akiro. Ngunit agad ding napawi 'yung ngiti ko nang agawin sa'kin ni Echo 'yung hawak kong iced coffee.

Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niya.

"Stop drinking this. It's cold and kakagaling mo lang sa sakit." Napakamot ako ng ulo sa sinabi niya.

Hindi nalang ako nagsalita at tiningnan 'yung dalawa na nag-uusap patungkol sa magiging exam bukas.

Napangiti ako.

Alam kong concern lang sila sa'kin kaya nila ginagawa 'yon. At masaya ako roon. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila 'yung totoo kaso natatakot ako. Baka iba 'yung isipin nila sa'kin.

Ano nalang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may nangyari sa amin ni Tito Lucio? Ng boyfriend ni Mama?

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila. Kaya ililihim ko nalang muna ito sa kanila, hindi naman sa gusto kong maglihim sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now