25

166 8 0
                                    


Renon

Nagising akong may ngiti pa rin sa labi. Pakiramdam ko para akong nanalo ng milyon-milyon sa lotto dahil sa nangyari kagabi. Kulang nalang mapunit ’yung labi ko sa kakangiti eh.

Ang saya ko talaga!

Sino ba naman ang hindi magiging masaya ’di ba? Kapag okay na kayo ng taong mahalaga sa’yo. Ang saya lang sa pakiramdam na okay na kami. Hindi na magiging isang hangin ang turingan namin sa isa’t isa, ’yung tipong nararamdaman niyo ’yung isa’t isa pero parang hindi nakikita kasi hindi nagpapansinan.

Inaamin ko, hindi dumaan ’yung mga araw na hindi ko namimiss ’yung presensya niya. Pakiramdam ko parang may kulang noon na hindi ko mawari kung ano.

Halos isang buwan na rin nu’ng huli kaming nagkausap eh. Sinubukan kong iwasan siya noon dahil sa nararamdaman kong ’to, pero kahit anong gawin kong pag-iwas na gawin parang hindi naman nawawala, bagkus mas lalo pang nadadagdagan hanggang sa lumalim nang lumalim. At nangyari nga ’yung sagutan namin noong nagdaang linggo at inaamin kong nakaramdam ako ng lungkot no’n.

Pero ngayon, okay na, ayos na kami, bati na. Basta lahat ng mga words na related sa pagiging bati!

Habang naglalakad pababa ng hagdan ay nakangiti pa rin ako. Feeling ko nga may buhay rin ’yung hagdan na tinatapakan ko at nakangiti sa’kin. Natatawa akong napailing.

Tang ina. Mukhang tuluyan na yata akong nabaliw dahil sa kaniya.

Nang makarating sa kusina ay masigla kong binata si Mama at si Tito Lucio na ngayon ay nag-aalmusal na.

“Good morning, Ma! Good morning, Tito!” Nakangiting bati ko sa kanila.

“Mukhang ang saya mo ngayon anak ah,” nginitian ko lang si Mama dahil sa sinabi niya at umupo sa upang kaharap si Tito.

Narinig ko itong tumawa ng mahina kaya napatingin ako sa kaniya at mabilis na umiwas nang makitang nakatingin ito sa’kin nang may ngiti sa labi.

“Yes, hon. He looks happy indeed,” napakamot ako ng batok dahil sa sinabi nito. Wala eh, hindi ko mapigilang hindi maging masaya.

Kasalanan mo ’to, Tito!

Sumimsim ako ng gatas na ibinigay sa’kin ni Manang kanina. As usual, bacon, itlog at tinapay ang almusal namin. Kumuha ako ng isang bacon at inilagay sa tinapay bilang palaman at saka iyon kinain.

“Nga pala anak, na-kwento sa’kin ng Tito mo kagabi na pumunta ka raw sa restaurant niya kahapon kasama ’yung kaibigan mo.” Napatingin ako kay Mama nang sabihin niya iyon.

Kinwento pala ni Tito ’yung nangyari kagabi kay Mama. Hindi naman ’yon kaso sa‘kin.

Tumango ako kay Mama habang lumulobo ang pisngi ko dahil sa kinain kong tinapay. Lumunok muna ako bago nagsalita, “Oo Ma, gusto ko kasing ilibre ’yung dalawa kong kaibigan kasi nangako ako sa kanila.” Kaso imbis na ako ’yung manlibre, kaming tatlo ’yung nalibre ng boyfriend mo, Ma.

Balak ko pa sanang idagdag ’yon kaso ’wag nalang. Tinatamad ako magsalita eh. Kumuha ulit ako ng bacon at tinapay at kinain ulit ’yon bago inubos ’yung natitirang gatas sa baso ko.

“Mabuti naman at nakahanap kana ng kaibigan do’n, anak,” nakangiting saad ni Mama.

Ngumiti rin ako, “Siyempre Ma, friendly kaya ’to,” pagmamayabang ko na ikinatawa lang ng huli. ’Yung katabi niya naman ay nakita kong ngumiti.

Sulit na naman ’yung umaga ko. Nakita ko na naman ’yung nakaka-fall niyang ngiti eh.

Tumigil si Mama sa pag-inom ng kaniyang kape at tumingin sa’kin na tila may naalala, “Oo nga pala anak, hindi ka maihahatid ni Mang Henry sa school mo kasi nasiraan ’yon kahapon habang namamalengke kami,” napatigil ako sa sinabi nito.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now