A/N: I'm backkk! Sorry for the super duper ultra mega late update. Ghoster kasi 'yung lolo niyo sa past life niya hanggang ngayon! Haha! Kidding aside. Nasira kasi 'yung phone ko kaya hindi ako nakapag-ud ng napakaraming araw! Hindi tuloy ako nakapagsulat. Nakakagigil nga eh. Gustong-gusto ko pa naman na sana mag-ud kasi ayon na nasira 'yung phone na ginagamit ko. Pero ngayon okay na siya! Nu'ng last week pa 'to naayos kaso umandar 'yung katamaran ko kaya hindi muna ako nagsulat. Pero mabuti nga at naayos pa 'to dahil nakalimutan ko na talaga 'yung password nitong wattpad acc ko. Jusko.
But anyways, here's the update! I hope you'll like it guys! At sana may magbabasa pa rin! Huhu.
Enjoy reading! And also please do click the vote button if you like this update. Para malaman ko rin if may nagbabasa pa. Mwehehe.
---
Renon
Hindi ako magkamayaw sa pag-ayos ng aking kwarto ngayon. Maya-maya lang kasi ay darating na sina Akiro at Echo para sa gagawin naming pagre-review.
Ang bilis nga ng oras eh. Miyerkules palang noong nakaraang araw tapos biyernes na kaagad ngayon.
Pagkatapos kong kumain ng hapunan, dito kaagad sa kwarto ang punta ko dahil para mag-ayos. Medyo makalat kasi rito eh, nakakahiya naman sa dalawa kapag dumating sila at baka sabihan akong hindi naglilinis ng kwarto. Baka ma-offend ako dahil totoo--charot. Busy lang kasi ako kaya hindi ako nakapaglinis ng kwarto.
Hindi ko kasi pinapalinis ang kwarto ko kay Manang, baka kasi may makita siyang hindi dapat. Haha, biro lang. Nasanay lang kasi ako na ako 'yung naglilinis ng sarili kong kwarto. Kung wala nga lang si Manang dito eh ako na ang maglilinis ng buong bahay kapag may oras ako.
Kaming dalawa lang ni Manang ang nasa bahay ngayon, pinasabay ko na nga siya kanina sa hapunan eh. Ayaw ko namang kumain ng mag-isa. Hindi kasi ako sanay.
Wala si Tito at si Mama dahil nasa trabaho na naman sila. Si Tito, kahapon ng madaling araw umalis, kagaya ng sabi niya. Si Mama naman ay umuwi kagabi pero umalis din agad kaninang madaling araw rin. Hindi ko nga alam eh. Masyadong busy ang mga tao ngayon dito sa bahay, ni hindi makapirmi kahit isang araw lang.
Pagkatapos kong mai-ayos ang mga damit ko ay inilagay ko na ito sa lalagyan. Inayos ko na rin 'yung study table ko pati na rin 'yung kama.
Ngiti-ngiti akong nagpunas ng pawis sa noo gamit ang kilod ng aking kamay at inilibot ang tingin sa aking kwarto. Medyo pinagpawisan ako roon ah, pakiramdam ko napagod ako sa ginawa ko. Hindi ko kasi nai-exercise ang katawan ko kaya siguro ganu'n nalang ako kabilis mapagod.
Dahil nga medyo pawis ako ay napagpasyahan kong mag half-bath, baka mamaya mabaho na ako. Pero siyempre alam ko naman sa sarili ko na walang amoy ang katawan ko 'no, kahit pawis. Maarte lang kasi si Akiro. Haha!
Isang gray na sando at puting pajama ang napili kong suotin. Hindi ko pa nasusuot ng maayos ang aking damit ay may narinig akong katok mula sa pinto ng aking kwarto at kasunod no'n ay ang boses ni Manang.
"Ren, iho. Nandito na sa baba 'yung mga kaibigan mo." Rinig kong sabi ni Manang.
"Opo! Bababa na ako!" Dali-dali kong sinuot ang damit ko.
Tiningnan ko 'yung orasan sa bedside table at nakita kong alas otso na ng gabi. Hindi na ako nag-abala pa sa kung ano-ano at agad na bumaba.
Nakita ko sina Akiro at Echo na nakaupo sa sala, kinakausap si Manang.
"Nandiyan na pala 'yung kaibigan niyo. O siya, babalik na ako ng kusina. Kung may kailangan kayo pumunta lang kayo ng kusina ah."
Tumango ako kay Manang nang makalapit ako, "Sige ho, Manang. Salamat."