20

180 11 0
                                    


Renon

Hindi ko mapigilang matakam habang nakatingin sa mga cupcakes na nasa harap ko. Nandito pa rin kami ngayon sa kusina. Ako, si Mama, at sina Sabel. Tinutulungan ng dalawa si Mama na magbake tapos ako, eto nanonood lang. Wala naman kasi akong alam sa pagbi-bake, taga-tikim lang ang ambag ko rito.

Napatingin ako sa cupcake na nasa malapit sa’kin. Parang ang sarap kainin. Hindi ko alam pero parang inaanyayahan ako nitong kainin siya. Para itong nagsasalita at sinasabing kainin mo na ako, Ren! Masarap ako! Go! Eat me!

Nilingon ko ’yung tatlo kong kasama. Busy pa rin sila. Hindi naman siguro nila mapapansin kapag kinuha ko ’yon at Kinain, ’di ba? At saka isa lang naman kakainin ko eh. Hindi ko naman kakainin lahat, titikim lang ako kung masarap ba talaga ’yung gawa nila. Hehehe.

Sinubukan kong abutin ’yung cupcake na malapit sa’kin, pero agad ko ring binawi ang kamay ko nang tampalin ito ni Mama gamit ang hawak niyang kutsara. Nakanguso akong binawi ’yon. Akala ko hindi ako napansin nito.

“Ikaw talagang bata ka! Napakataw mo! Hindi pa nga kami rito natatapos, tapos ikaw babawasan mo na,” muli akong napanguso nang sabihin ’yon ni Mama. Binigyan ko pa siya ng nakakaawa effect na tingin kaso mukhang hindi tumalab sa kaniya.

Sayang, pagkain na sana ’yon eh, kaso naging bato pa.

’Yung dalawa namang magpinsan tinawanan ako. Lalo na si Amely na tinitingnan ako nang may halong pang-aasar. Hah! Asarin niyo lang ako, okay lang basta matikman ko ’tong pagkain na nasa harap ko.

Tumahimik nalang ako at hindi na kumibo pa. Pinanood ko nalang ang ginagawa nilang tatlo nang tahimik. Wala naman akong magagawa kung hindi ang maghintay--maghintay na pakainin ni Mama.

Kahit kakatapos lang naming kumain ng lunch kani-kanina lang, nagugutom na naman ako. Parang bulsa ni Doraemon ’tong tiyan ko, ang lawak. Feeling ko nga kapag kumain ako ng tao, kasya eh.

Nag-ci-crave kasi ako sa matatamis ngayon, nagmumukha nga akong buntis sa sobrang takaw.

What if buntis ako?

Joke.

Wala nga pala akong matres. At isa pa, wala pa akong experience sa anong ’yan. Hanggang nood lang muna tayo.

Napailing ako. Kung pwede lang sampalin ’yung utak, ginawa ko na. Kung anong pumapasok eh, tapos kapag nasa school naman parang ayaw i-digest ’yung mga lesson. Baliw rin ’tong utak ko.

“Pero grabe, Ma'am Rose, marunong po pala kayong magbake.”

Habang nagbi-bake sila ay nagsalita itong si Sabel. Ako naman ay nakikinig lang sa kanila. Wala ako sa mood magsalita, at kung anong rason? Wala lang, di ko lang talaga feel dumaldal ngayon. Parang naubos ’yung energy ko kanina sa labas.

Kaya eto, tahimik muna tayo ngayon. Behave lang dapat, lalo na’t nandito si Mama. At kapag nandito siya, siyempre nandito rin ’yung boyfriend niya.

Tumigil si Mama sa paglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake at tumingin kay Sabel. “Ay oo, mahilig kasi akong magluto ng mga kakanin dati roon sa probinsya, lalo na ’yung puto. Kaya eto, sinusubukan ko ulit magbake ng mga cupcakes para na rin may libangan,” sabi nito at bahagyang ngumiti.

Tama si Mama, isa sa mga hobby niya ang pagbibake o pagluluto ng mga kakanin. Naalala ko pa noon, hinihiram ni Mama ’yung luma kong cellphone para manood ng mga vlog sa youtube kung paano gumawa ng cupcakes. At bilang anak, sinusuportahan ko nalang siya sa kung anong gusto niya. Lalo na’t kaming dalawa nalang noon na magkasama, pero ngayon iba na, may dumagdag na kasing isa.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now