01

1.9K 30 43
                                    

KHALIANA

"Hi." bati ko sa kaniya pero wala akong natanggap na ni isang bati man lang na galing sa kaniya. Diretso lang itong umakyat sa hagdan na para bang wala siyang kasama. Simula pa kanina habang papunta kami dito ay wala na siyang kibo.

Nagtungo nalang ako sa kusina at kumuha ng tubig. Di ko alam kung makakatulog ako ngayong gabi dahil sa mga nangyari ngayong araw. 

Di ko rin inaasahan na may magaganap na ganoong pangyayari. 

Nang matapos na nga akong uminom ay umakyat narin ako sa taas. Habang papaakyat nga ako ay hindi ko alam kung bakit mabibigat ang paghinga ko. 

Nakita ko yung pintuan ng isang kwarto na nandito sa itaas ay naka-awang, kaya naman sumilip ako. Nakita ko naman siyang nakahiga at nakatakip ang mukha gamit ang unan. 

Napangiti naman ako dahil sa nakita ko, ang cute niya pala. Para siyang bata na natutulog habang yakap-yakap yung unan at nakapaibabaw sa mukha niya.

Malaki yung kwarto kung saan siya nakahiga ngayon. Ako naman ay palakad-lakad, hinahanap kung may extra pang kwarto na pwede kong mahigaan. Nahilo na ako kakahanap sa kwartong, hindi ko alam kung nasaan ba.

Isa lang ba talaga yung kwarto dito?

Kaya naman ay bumaba nalang ako sa sala at doon na lang matutulog sa may sofa. Nakapagpalit narin ako ng damit at nakapaghilamos narin.

Ayoko namang pumasok doon at matulog dahil baka bukas ay isipin niya na may ginawa akong masama sa kaniya, kaya mas mabuti nalang na dito ako matulog.

Humiga na ako sa sofa at ipinikit ko na ang dalawa kong mata. Di ko alam kung bakit hindi pa rin ako inaantok kahit gustong-gusto ko na matulog. Dahil hindi nga ako makatulog ay lumabas muna ako para magpahangin. 

Iniisip ko kung ano yung mga pwedeng mangyari bukas. 

Di ko alam kung yung kasama ko sa bahay na 'to ay makakasundo ko. Ilang oras palang kaming magkasama pero alam ko nang hindi kami magiging close. 

Di ko ba alam kung anong merong pumasok sa isipan nila, kaya naisipan nilang i-arranged marriage kami. 

Nagulat nalang ako nang pumunta si Dad sa office ko at may inabot na envelope.

Akala ko kung ano, yun pala marriage certificate.

Nung nakita ko nga yung laman non ay agad akong napahinto ng ilang segundo. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko sa kaniya. 

Tanging nagawa ko nalang ang ngumiti at ipakita na masaya ako. 

Sinabi pa ni dad na may family dinner at kasama yung parents ng in-arranged nila sa akin. Habang nasa dinner nga ay samang tingin lang ang binibigay ng babae na ka-arranged marriage ko. Nililihis ko na lang tuloy ang aking tingin kapag dumadako yung mata ko sa kaniya. 

Hanggang sa ngayon, nandito na kaming dalawa sa iisang bahay. Yung mga pinapakita niya palang ngayon ay alam ko nang hindi ko siya makakasundo. Maya-maya rin ay pumasok na ako sa loob at humiga na, buti naman at nakatulog na agad ako.


...


About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now