06

457 20 3
                                    

KHALIANA

"Gio! Ano ba?!"

"Hindi nakakatuwa!"

"Stop it!"

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya asawa?!"

"Kasal kami sa papel, Gio!"

"Kaya tumigl-tigil ka na!"

Rinig kong mga pabulong na pasigaw na sabi ni Luisa. Pababa ako ngayon sa hagdan dahil may kinuha akong gamit sa itaas. Dahan-dahan akong bumuba at iniiwasan na makagawa ng ingay dahil may kausap ito sa telepono.

Pagkababa ko ng hagdan ay nakita ko siyang nag-aayos at halatang may pupuntahan ito.

"Good morning, Luisa." bati ko sa kaniya ngunit parang wala lang itong narinig.

Madali niyang kinuha yung bag niya at nagma-madali rin itong makalabas ng bahay.

"Where are you going, Luisa?" tanong ko rito habang hindi pa tuluyang nakakalabas ng bahay.

"It's none of your business, Khaliana." mataray na sagot nito sa akin habang tuluyan nang makalabas sa pintuan.

"Pa'no ko sasabihin sa kaniya?" nagtatakang tanong ko kay Khatalina.

"Ate, sasabihin mo lang naman."

"Pa'no kung hindi?"

"Kaya nga sasabihin mo sa kaniya-magtatanong ka kung papayag siya." tila naiirita na niyang sabi.

"Ikaw nalang yung magsabi sa kaniya."

"Close ba kami ng asawa mo? Magtatanong ka lang naman."

"Paano kung ayaw niya?"

"Edi ayaw niya, nasa sa kaniya naman yung disisyon. Tsaka kung ayaw mo palang umayaw siya, edi wag ka nalang magtanong. Kidnappin mo nalang."

"Ang ganda ng payo mo, grabe talaga."

"Syempre ako na-"

"Manahimik ka na nga." sabay bato ng unan sa kaniya kaya napadaing ito.

"Sabihin mo family dinner para pumayag siya."

"Ayokong magsinungaling sa kaniya, Khatalina."

"Edi dinner date."

"Sana pumayag siya."

"Papayag yan."

"Kung hindi?"

Pa'no kung hindi siya pumayag sa dinner date na sinasabi niya?

"Umuwi ka na nga ate, tanong mo na sa kaniya para hindi ka ganyan nang ganiyan." naiiritang sabi niya habang ang signal ng kamay nito ay pinapaalis ako.

Sabi niya kasi bakit daw hindi ko ayain si Luisa na mag dinner date kami bukas. Napaisip din ako na bakit hindi?

Kaya naman, mamaya pagkauwi ko at pagkadating sa bahay. Tatanungin ko siya at sana pumayag siya, pero kung hindi naman, may susunod pa naman.

...

"Luisa, can we talk?" kinakabahang tanong ko sa kaniya.

"For what?" masungit na tanong niya.

"May itatanong lang sana 'ko."

"Is it important?"

"Ahm-"

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now