03

524 15 45
                                    

KHALIANA

Zaiera

00:00


[Good morning po, Miss Khali.] panimula nito.

"Good morning too, Zaiera."

[Miss, Pinaagahan po ni Mister Caste yung meeting for 3:00 pm dahil may emergency daw po siya.]

"Okay, Anong oras daw?"

[After lunch daw po, Miss Khali.]

"Noted and thankyou, Zaiera." pagkatapos kong magpasalamat at magpaalam ay binaba ko na yung tawag.

Hindi ko alam kung kakayanin kong makapunta sa company pero bahala na. Di ko naman kasi pwedeng i-cancel dahil importante yung meeting with Mister Caste. Kahit medyo masama na yung pakiramdam ko at nahihilo ay pinilit ko paring maligo. Nang ayos na ay lumabas na ako at sumakay sa kotse't umalis na.


Meeting...


"Good afternoon, Mister Caste." bati ko kay Mister Caste nang makapasok na ako sa loob ng conference room.

"Good afternoon, Miss Zelama." nakangiting bati nito sa akin.


...


Kakatapos lang yung meeting with Mister Caste at bumalik narin ako sa office ko para makapagpahinga na. Kanina habang nag m-meeting ay sobrang sumasakit yung ulo ko. Pinipilit kong labanan dahil nasa meeting ako at nakakahiya naman kung sabihin kong next meeting.

Nagd-dalawang isip pa ako kung uuwi pa ba ako o dito nalang mag stay sa office ko. Kanina ay kaya ko pa nung di pa nags-simula yung meeting pero nung nasa kalagitnaan na ay sobrang sumama na yung pakiramdam ko.

Medyo nasusuka ako na di ko maintindihan. Tamad na tamad yung katawan kong tumayo at maglakad. Nakahiga lang ako ngayon dito sa sofa ng office ko at hinihilot-hilot yung ulo ko.

Papikit na sana ako para matulog muna nang bigla kong maalala si Luisa. Nag-message muna ako sa kaniya bago ako tuluyang makatulog.


Luisa

Today 3:40 PM

Good afternoon, Luisa :))

Have you eaten yet?

Hindi ako makakauwi mamaya, need ko kasing mag-stay dito sa company.

Just call me if may problema, byeee

Take care, Luisa

Delivered


Nang matapos ko na siyang ma-message ay tuluyan na akong nakatulog. Nagising nalang ako mga 7:10 pm na at hindi ako makatayo.

Gusto ko sanang kumain dahil kaninang lunch ay di na ako nakakain dahil dumiretso agad ako sa office ko para magpahinga.

Ako nalang ang mag-isa dito dahil umuwi na sila Zaiera kanina. Natulog nalang uli ako dahil wala talaga akong lakas na tumayo at kumain.

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now