08

451 18 1
                                    

KHALIANA

"We need to go, Mau. See you next time." paalam niya kay Maureen at kumalas na ako sa pagkakayakap kay Khatalina.

"Sure Khat and take care." sabi ni Maureen at siya naman yung niyakap ni Khatalina.

"I'm so glad to meet you, Mau." sabi naman ni Khatalina sa kaniya. Naiwan kaming dalawa ni Maureen dahil si Khatalina ay lumabas na. Lalakad na sana ako palabas nang biglang hilain ni Maureen ang aking kanang kamay. Napalingon naman ako sa kaniya at tinitigan siya na tila ba nagtatanong kung bakit.

"Can I hug you Khaliana?" mahinang tanong niya sa akin habang kinakagat ang kaniyang pang-ibabang labi. Hindi sa paraang pang-aakit kung di sa paraang nangangamba kung papayag ba ako o hindi.

"Sure." sagot ko sabay ngiti sa kaniya. Habang niyayakap niya ako ay may binulong siya sa akin.

"Di ko alam yang pinagdadaanan mo pero I'm here Khaliana. Willing akong tumulong para mabawasan yang sakit na nararamdaman mo ngayon. It's so nice to meet you and here's my number...call me if you're feeling sad, happy, anxious, nervous...anytime kung ano man yang nararamdaman mo. Call me if you need some one to lean on... I'm always here for you, always Khaliana...always." pagkatapos niyang magsalita at pagkalas sa yakap naming dalawa ay may kinuha siya sa bulsa niya. Isa iyong card na may name and contact number niya at ibinigay niya sa akin.

"Message me, when you get home." bulong na sabi niya sabay ngiti.

Hinatid niya pa ako sa labas ng BTG at siya narin ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Khatalina kung saan ako uupo. Si Khatalina ang magd-drive, hindi naman siya sobrang lasing. Yung in-order niya kanina nang makapasok kami ay kita kong hindi niya naubos, in short unti lang yung iniinom niya. Mas marami pa ata akong nainom kaysa sa kaniya.

Nang makapasok at nang maka-upo na ako ay bigla itong dumungaw sa bintana kung saan ako naka-upo, at bigla itong nagsalita.

"Ingat kayong dalawa. Khaliana, just text me if naka-uwi na kayo and you too Khat." sabay ngiti saming dalawa ni Khatalina.

"Kayo na ba ng ate ko?" natatawang tanong ni Khatalina kay Maureen.

"Khatalina!" bulong na sigaw ko sa kaniya at tinitigan siya ng masama.

Napatawa naman si Maureen dahil sa sinabi niya at nagpaalam narin kami sa kaniya. Pinaandar na ni Khatalina yung kotse at umalis na kami.

Habang nagmamaneho siya ay iniisip ko parin yung nakita ko kanina. Kaya pala wala akong natanggap na reply galing sa kaniya, nung minessage ko siya.

Nakarating na kami ni Khatalina sa bahay niya at balak niya pa akong ihatid, kaso sabi ko yung kotse ko ay nandito sa bahay niya. Kaya wala siyang nagawa, bumaba na nga kaming dalawa at ako naman ay sumakay na sa kotse ko. Nang matapos na akong magpaalam sa kaniya ay umalis na ako.

Habang nagmamaneho nga ako pauwi ay kinuha ko muna sa bulsa ko yung binigay ni Maureen kanina, yung card. Tinignan ko uli iyon, name at contact number lang talaga yung nakalagay, wala nang iba.

Mga ilang minuto lang ay naka-uwi na ako ng bahay. Pagkapasok ko nga ay dumiretso agad ako sa taas, sa kwarto ni Luisa para tignan kung nakauwi na ba siya.

Nang maka-akyat na nga ako at nasa harap na ng pintuan ng kwarto niya, ay kumatok ako ng ilang beses pero walang nagsasalita. Kaya naman binuksan ko ito at pumasok na sa loob. Nang makapasok na nga ako ay wala siya, hindi pa siya umuuwi. Kinuha ko yung phone ko na nasa bulsa ko at tinignan kung anong oras na.

Saktong alas dose na at wala parin siya, di ko alam kung anong oras sila pumunta sa BTG ng mga kasama niya.

Kaya naman bumaba muna ako at humiga muna sa sofa. Nag phone muna ako at bigla kong naalala si Maureen, kaya naman kinuha ko yung card sa bulsa ko at tinaype ko sa phone ko yung contact number na nakalagay sa card.

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now