KHALIANA
After naming kumain ng breakfast ay pumasok na ako sa company. Ayaw pa nga ni Khatalina na pumasok ako pero anong magagawa niya?
Nang matapos yung trabaho ko ay umuwi na ako. Gusto ni Khatalina na mag stay muna ako sa bahay niya pero tumanggi ako.
Nang makapasok na ako sa bahay ay nakita ko si Luisa na naka-upo sa sofa. Di ko alam kung may hinihintay ba siyang ibang bisita o may kausap lang siya sa telepono niya.
"Khaliana, about last night-" sambit niya nang makapasok na ako.
"It's fine, Luisa." pagpuputol ko sa kaniya habang nakangiti.
"May biglaan kasi-"
"No need to explain, Luisa atsaka hindi rin ako nakapunta dahil may emergency."
"Okay, sor-"
"No need and don't worry about it."
"Okay." saad niya at umakyat na sa taas. Napahingang malalim nalang ako at dahil sa pagod ay natulog na ako.
Maaga akong umalis sa bahay dahil hindi makakapasok si Zaiera ngayon. May emergency daw at kailangan na kailangan siya. Tumawag ito sa akin kanina at nagpapaumanhin dahil hindi siya makakapasok. Sabi ko naman ay ayos lang dahil naiintindihan ko naman.
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Luisa dahil tulog pa ito, baka kapag kumatok pa ako sa kwarto niya ay buong araw ay maging bad mood siya. Dahan-dahan ko lang sinara yung pintuan at umalis na.
...
Nang matapos na ako sa trabaho ko sa company, ay umuwi na ako. Habang nagd-drive nga ako pauwi ay tumawag si Khatalina at pinapapunta niya ako sa bahay niya. Buti nalang at tapos na yung work ko today at pauwi na rin.
Habang papunta ako sa bahay niya ay nadaanan ko yung binilan ko ng couple bracelet non. Yung bracelet na couple kami ni Luisa. Hindi niya tinaggap iyon pero nakatago parin yung bracelet na 'yon hanggang ngayon.
Huminto muna ako at tinignan yung mga bracelet na naka-display. Bumaba ako ng sasakyan para makita ito ng malapitan.
Nagikot-ikot muna ako para tignan lahat ng mga iba't ibang design at kulay ng mga bracelet na nandirito.
Ilang minuto rin akong nagtitingin-tingin at umalis na. 7:00 pm na at naisipan kong bumili muna ng dinner para sa aming dalawa ni Khatalina.
Nang makabili na nga ako ay tuluyan na akong nag-drive patungo sa bahay ni Khatalina. Ilang minuto na ang lumipas ay nakarating na rin ako. Bago ako bumaba ng sasakyan ay kinuha ko muna yung binili ko at bumaba na.
Ilang beses na akong kumakatok sa pintuan pero di niya parin binubuksan, kaya naman tinawagan ko siya. Ilang beses rin itong nag-ring pero hindi niya parin sinasagot. Tinawagan ko uli siya at buti naman sinagot na niya.
Kaya pala hindi niya ako naririnig na kumakatok at naka-ilang tawag na rin ako sa kaniya dahil natutulog pala siya. Kaya nung pagkabukas niya ng pintuan nakita ko siyang yakap-yakap ang unan, at may kumot pa sa likod na ginagawa niyang jacket.
Gulo-gulo rin ang buhok niya pero wala siyang pake. Nang pagkapasok ko ay sumalampak lang ito sa sofa at pinagpatuloy yung tulog niya. Umupo lang ako sa tabi niya at hinayaan lang siyang matulog.
Ilang oras din ay nagising na siya at tinanong niya ako, bat daw ako nasa bahay niya.
"Bat ka nandito 'te? Miss mo na ba ako?"
"Tumawag ka sakin diba?"
"Ay, Oo nga pala." tumatawang sabi niya at sinamaan ko lang siya ng tingin.
YOU ARE READING
About Us, There Is No Us
ФанфикArranged Marriage | GXG Luisa Vienna Celiore Khaliana Zelama