KHALIANA
Habang naga-ayos nga ako ay nagluluto narin ako ng pang tanghalian namin ni Luisa. Nang matapos na nga ako sa ginagawa ko dito sa loob ng kusina, ay umakyat muna ako para silipin siya.
Nang nasa harapan na ako ng pintuan ng kwarto niya ay kumatok muna ako bago pumasok.
"Luisa."
"Luisa."
"Luisa."
Tawag ko sa kaniya nang makapasok na ako, ngunit hindi ito nagsasalita o lumilingon man. Lumapit ako sa kinahihigaan niya at tinignan siya, tulog pala ito kaya hindi sumasagot.
Kaya bumaba muna ako para kuhanin yung pagkain niya at yung gamot niya. Habang hinahanda ko nga yung pagkain niya ay nagulat ako ng biglang may kumalabog. Kaya naman napalingon ako sa likod ko at nakita ko siyang naka-upo habang nakatulala. Binitawan ko muna yung hawak-hawak kong plato at nilapitan muna siya.
"Bat ka bumaba?" tanong ko nang makalapit na ako sa kinau-upuan niya.
"Bawal ba?" masungit na tanong nito sa akin.
"Hindi naman sa ganon, hindi ka pa okay Luisa. Dapat hindi ka muna bumaba." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Puro lang ako higa sa taas, Khaliana." reklamong sabi niya.
"Kahit na." kalmadong sabi ko sa kaniya ngunit bigla naman akong nagulat nang bigla itong nagsalita nang pasigaw.
"Fine!" sigaw nito habang tumatayo sa pagkaka-upo.
Inalalayan ko muna siya at buti nalang nagpa-alalay siya. Nang maihatid ko na nga siya sa taas at nang maipasok ko narin siya sa kwarto niya, ay bumaba na ako para kuhain yung pagkain niya.
"Kain ka na." sabi ko habang papasok sa pintuan.
"Pwede bang mamaya na lang?" tanong nito sa akin.
"Hindi pwede dahil iinom ka ng gamot." dahil sa sinabi ko ay wala siyang nagawa, kung di kumain at nang matapos na nga siya ay pinainom ko narin siya ng gamot.
Nang makatulog na nga ito ay bumaba na ako dahil pumunta dito si Khatalina. Nang makababa na ako ay nakita ko ito na nasa sofa at nagulat ako dahil katabi nito si Maureen.
"M-Maureen?" gulat na tanong at tawag ko dito.
"Yes?" ngiting tanong na sabi niya.
"Bat—Baket ka nandito?" tanong ko dahil bakit nga ba siya nandito at anong gagawin niya naman dito.
"Tumawag kase si Khat sa akin na pupunta raw siya dito. Then, inaya niya ako na samahan siya." si Khatalina pala, ano nanaman kayang trip niya at inaya niya si Maureen dito?
"Yes." napalingon naman ako bigla kay Khatalina dahil sa sinabi niya habang nakangiting nakatingin ito sa akin.
"Anong meron Khatalina at naisipan mong pumunta dito?" tanong ko habang nakatitig sa kaniya.
"Gusto ko lang na kamustahin si ate Luisa at syempre, pati ikaw. Here, for ate Luisa." saad niya habang kinuha yung mga prutas na nakalagay sa basket na naka-patong sa lameseta.
"Thank you." pagpapasalamat ko sa kaniya habang tumatango.
"Where's ate Luisa?" tanong nito habang lingon nang lingon sa bawat sulok ng bahay.
"Nasa taas, natutulog." sagot ko habang kinukuha yung hawak niya na dala-dala niya para kay Luisa.
"Sayang naman pero pwede naman kami mag-stay muna dito?" kahit naman sabihin kong hindi, ipipilit mo pa rin.