14

340 10 6
                                    

KHALIANA

Maya-maya rin nang naka-alis na ang dalaga ay sumakay na ako sa kotse ko at umalis narin. Ilang oras na nga akong nagd-drive at wala parin ako sa lugar na gusto kong puntahan. Ilang beses uli nag-ring yung phone ko pero hinayaan ko lang ito.

Mga ilang oras ay huminto uli ako sa isang gasoline station para makapag-unat dahil namamanhid na yung binti at braso ko.

Sa loob nga ng ilang oras na pagmamaneho ay sa wakas ay nakarating narin ako sa pupuntahan ko. Nandito ako ngayon sa Infanta sa may Point Resort. Pinarada ko lang yung kotse ko at pumasok na sa loob ng resort. Nasa reception ako ng resort ngayon at kinuha ko yung keycard ng magiging room ko. Nang makapasok nga ako dito kanina ay binati nila ako at binati ko rin sila pabalik, nginitian ko pa bawat isa sakanila.

Habang nasa elevator nga ako ay dala-dala ko yung mga gamit ko. Hindi naman masyadong mabigat dahil damit ko lang naman ang dala ko. Napapikit nalang ako nang mag-ring uli yung phone ko pero wala naman uli akong pake, kaya hindi na ako nag-atubiling tignan iyon at sagutin kung sino man yung tumatawag sa akin. At buti nalang nag-bukas na yung elevator kung saang floor na nandoon yung room ko.

Lumabas naman ako at nagsimula nang maglakad para hanapin yung number ng room ko. Buti nalang ilang lakad lang ay nandito na agad ako sa harap ng pintuan. Tinap ko lang yung card na hawak ko sa bandang taas ng doorknob at dahan-dahan itong binuksan. Tumingin-tingin muna ako sa paligid bago tuluyang nakapasok na sa loob. Dumiretso ako agad sa balcony at grabe, napaka-ganda ng tanawin at kitang-kita rin yung kabuuhan ng dagat. Napangiti naman ako at pumasok na uli sa loob para ilapag yung mga gamit na bitbit-bitbit ko.

Habang nilalapag ko nga ang mga gamit ko ay medyo napapangiti ako, at medyo nakakaramdam ng lungkot. Nang maayos ko na yung mga gamit ko ay lumabas muna ako para mag-ikot-ikot.

Nang makababa na nga ako ay lumabas muna ako ng hotel at naglakad papunta sa tabing-dagat. Medyo mahangin at ang gandang pag-masdan ng dagat, medyo malakas din ang mga alon nito.

Naglakad-lakad nga muna ako habang tinitignan ang mga paligid. Napansin ko naman na may isang establisyemento sa bandang dulo, dahil nga curious akong malaman kung ano yung loob non ay pinuntahan ko ito.

Nang makarating na ako sa harap ng pintuan nito ay dahan-dahan kong binuksan. Sumilip-silip pa ako kung may tao pero wala. Humakbang ako ng isa papasok at dahan-dahang tumalikod para maisara yung pintuan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob at doon ko nalaman na isa pala itong bar. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna para makita ang kabuuhan nito. Mga ilang minuto ng pagtitingin dito ay naglakad na ako patungong pinto. Hinawakan ko na yung doorknob at dahan-dahan itong pinihit pababa, bubuksan ko na sana ito nang biglang may magsalita.

"Yes, Miss?" dahan-dahan ko namang nilingon ang babaeng nagsalita. Nakita ko ito na parang kakalabas lang sa pintuan na nasa likod niya.

"Hmmm... sorry. I just got curious so I came in. I don't have any intention to steal some things here, sorry-" walang hinto-hintong sabi ko sa kaniya.

"I understand it, Miss." putol nito sinasabi ko at sabay ngumiti.

"Sorry again." pagpapaumanhing sabi ko uli.

"It's fine. Do you want anything to drink?" tanong nito ngunit umiling lang ako at ngumiti sa kaniya.

"Thank you but I'm fine." ngumiti at tumango lang ito sa sinabi ko at naglakad patungo sa kinatatayuan ko.

"Open po kami mamayang alas-otso kung gusto niyo po uling bumalik." bigla naman akong napangiti dahil yung ngiti niya kasi nakakahawa.

"Sure." ngiting sabi ko habang tumatango.

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now