KHALIANA
Yung kain ko ngayong oras ay umagahan at pananghalian na, at least naka-tipid.
2 in 1 na, 2 meals in 1 meal.
Tipid nga pero sakit naman ang pag-gagastusan mo, kaya hindi nalang.
Habang kumakain nga ako ay biglang nag-ring yung phone ko. Tumayo muna ako mula sa pagkaka-upo at nagtungo sa may kama. Kinuha ko lang yung phone ko at si Maureen pala, sinagot ko ito at nabigla ako sa kaniyang sinabi.
"Hello, Philippines!" napa-awang naman ang aking bunganga dahil sa sinabi niya.
"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"I said that I'm here." rinig kong parang may kinakalkal ito sa kabilang linya dahil ring ko ang malilit na ingay.
"Where?" tanong ko habang ako naman ay nakatitig sa kama ko.
"Sa Pilipinas, sa'n pa ba?" uyam na tonong saad nito.
"Huh?" kunot noong tanong ko.
"Oh, come on Khaliana." tila ba nauubusan na ng pasensyang sabi niya.
"W-Wait, so you are here na?" ulit na tanong ko.
"Kakasabi ko lang po." hindi parin mag-sink in sa utak ko na nandito na siya.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"Sige na nga, alam kong hangover yan at tatawag nalang uli ako mamaya." natatawang sabi nito sa kabilang linya at ako naman ay napapairap sa mga sinasabi niya.
"Pero—"
"Byee, tatawagan kita mamaya. Ang gawin mo muna ngayon ay magpahinga ka dahil alam kong masakit yang ulo mo." sabi niya, hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Wait—" yan na naman siya.
"Mamaya nalang Khaliana, magpahinga ka muna. See youuu." pagkatapos nitong magsalita ay pinatay niya na yung tawag.
Naiwan naman akong nakanganga at hindi makapaniwala. Naka-uwi na siya? Parang kagabi lang kausap ko lang siya tapos ngayon tatawag siya para sabihing naka-uwi na siya?
Hayyy!
Hawak-hawak ko yung cellphone ko habang patungo sa kusina. Nilapag ko muna yung phone ko sa gilid ng lamesa at tinuloy ko na yung na-udlot kong pag-kain. Nang matapos na ay hinugasan ko na muna yung plato at pati narin yung mga ginamit ko sa pagluto. Pinunasan ko narin yung lamesa at nagtungo uli sa cr. Naligo na muna ako dahil baka mamaya ay maisipan kong lumabas uli.
Habang nagsu-suklay ay iniisip ko kung anong pwedeng ipasalubong kay Luisa. Di ko naman alam kung ano yung mga bagay o pagkain na gusto niya, basta bahala na.
Tinignan ko yung oras at maga-alas-dos na. Wala naman akong ginagawa at magawa dito sa loob, kaya bakit hindi nalang ako bumili ng mga pasalubong ngayon. Sayang din yung oras, tutulala lang naman ako.
Kinuha ko lang yung shoulder bag ko at lumabas na. Nang makarating na sa first floor ay tumungo na agad ako sa labas. Nang makapunta na sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito.
Nandito na ako sa highway at malapit na sa lugar ng pamilihan. Naghanap lang ako ng pwesto kung saan pwede mag-park. Pinark ko yung kotse ko sa convenience store na kung saan malapit lang sa pamilihan.