13

332 14 9
                                    

KHALIANA

Nanahimik nalang ako at umayos ng upo sa sofa. Habang naka-upo nga ako ay natutulala nalang ako at iniisip kung bakit ayaw niyang sagutin. Nagtatanong lang naman ako Kung sino yung babae nayon tapos ayaw niyang sagutin but that's fine Kung ayaw niya talaga.

Napa-sandal ko nalang yung ulo ko sa tuktok ng sofa at napapikit nalang. Maya-maya rin sa ganong posisyon ay nararamdaman ko nang inaantok na ako, kaya naman ay umayos na ako ng higa mula sa pagkaka-upo. Nagdasal muna ako bago tuluyan nang nakatulog.

Nagising nalang ako nang may marinig akong ingay na nang gagaling sa kusina. Napakusot naman ako ng mata at dahan-dahang umupo. Napatulala muna ako bago tuluyang tumayo at tumungo sa kusina.

"Good morning, Luisa." bati ko sa kaniya ngunit focus lang ito sa pagluluto niya. Lumapit naman ako para tignan kung ano yung niluluto niya. Nang makalapit nga ako ay tinignan ko yung nasa kawali na hinahalo niya, nag-taka nga ako kung bakit bigla itong huminto sa paghahalo. Dahan-dahan kong ini-angat yung ulo ko at ibinaling ang dalawang mata sa mukha niya. Nakita ko naman itong nakakunot ang noong naka-tingin sa akin, napangiti nalang ako ng awkward sa kaniya sabay nagsalita.

"Anong oras ka nagising?"

"Kanina ka pa ba dito sa kusina?"

"Dapat ginising mo nalang ako para ako nalang yung magluluto."

"Para hindi ka na rin mapagod pa."

Mga tanong at sabi ko ngunit pokus lang ito sa kaniyang niluluto. Huminga nalang ako ng malalim at ngumiti ng bahagya. Umalis muna ako sa kusina at naligo muna ako. Nang matapos na nga ay nag-ayos na ako at pumunta uli sa kusina.

"Alis na ako Luisa, eat well and ingat mamaya." ani ko habang inaayos yung relong kinakabit ko sa kaliwang kamay ko. Alam ko namang wala itong pake at sasabihin pa, kaya nagtungo na ako sa sofa para kuhain yung bag ko at umalis na. Nagtungo agad ako sa kotse ko at sumakay na't umalis na.

Habang nagmamaneho nga ako ay naisipan kong magpahinga muna, gumala-gala muna. Iniisip ko kung mag t-travel out of the country ba ako o dito lang sa Pilipinas. Parang mas maganda dito nalang muna. Iniisip ko kung saan ako pupunta.

Batangas?

Baguio?

Palawan?

Boracay?

Cebu?

Davao?

Iloilo?

Bohol?

...I don't know

...

"Good morning Miss Khali." bati ni kuya guard sa akin.

"Good morning din po." ngiting bati ko pabalik. Naglakad na ako patungo sa elevator at pumasok na. Pinindot ko lang yung floor na kung saan yung office ko at habang papataas nga ay tinitignan ko lang yung sarili ko sa salaman.

Shit, ang ganda talaga.

Maya-maya ay bumakas na ito at lumabas na ako. May mga nakasalubong din akong mga empleyado ko na binati ako at binati ko rin syempre.

Sa paglalakad ko ay huminto ako dahil nasa tapat na ako ng pintuan ng office ko, binuksan ko lang ito at pumasok na sa loob. Nilapag ko muna yung bag ko at umupo na sa swivel chair ko. Ang sumalubong sa akin ay ang mga file na araw-araw ko namang nakakasama.

Naalala ko na hindi pa pala ako naga-almusal at sakto naman dahil kaharap ko yung mga folder.

Masarap naman kahit papano.

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now