KHALIANA
Akala ko naman kung ano yung sasabihin niya, kaya napatawag siya. Wala naman palang sense, tawag-tawag pa, kala mo naman importante.
Ilang minuto ang lumipas at nandito na siya...katabi ko, kinukulit ako ngayon. Napapapikit nalang ako sa tabi at hinihiling na sana hindi ko na lang sinagot yung tawag niya kanina.
Pumunta lang ba siya dito para kulitin at asarin ako?
Dapat di nalang siya pumunta kung ganon!
"Nandito ka pala tapos hindi mo man lang ako inaya." akala ko tapos na, may pahabol pa pala.
"Kailangan ba na kapag pumunta ako dito, sasabihin ko pa sa'yo?" inis na tanong ko sa kaniya.
"Syempre naman." sagot niya habang nagma-maganda.
"Anong ginagawa mo dito?" manggagago lang 'to e.
"Wala lang." habang umiiling-iling pa, mukha siyang tanga.
"Imposibleng wala." imbes na mar-relax ako, maiinis lang ako.
"Wala nga." inis na sambit ko.
"Ano? Pumunta ka dito dahil trip mo lang?" hindi na lang siya manahimik.
"Exactly." napapikit muna ako bago siya sagutin.
"Nagugutom ako 'te." pati ba naman 'yan?
"Edi bumili ka." ngunit ang kaliwang kamay nito ay nakaharap na naka-abot sa akin.
"Anong gawin ko d'yan? Putulin ko?" dagdag na saad ko sa kaniya.
"Pera." mukha mo.
"Pumunta ka dito para manghingi lang ng pera?" nanggigil na tanong ko.
Lakas din ng trip nito.
Nakakawala ng pasensya.
"Maybe?" tinarayan ko lang ito at tumayo na.
"San tayo pupunta 'te?" sa kanal, baka makakita ng dagat.
"Sa langit." baka makapunta tayo.
"Hindi ka pwede don." tila ba nangaasar pa.
"Manahimik ka nga." inis na angil ko sa kaniya.
"Bakit? Tanggap ka ba sa langit?" eto na naman siya.
"Khatalina." diing sabi ko at tinapunan ito ng matalim na titig.
"Pakainin mo na kasi ako, gutom na gutom na ako." tila ba bata na angil niya.
"Edi kumain ka." nasa sa akin ba yung pagkain?
"Gusto ko yung libre...libre mo." dagdag niya pa, napa-irap nalang ako at tuloy-tuloy lang naglakad.
Bahala siya d'yan, dami-dami niyang pera.
Mukha talaga siyang libre, kaya naman para manahimik siya ay kumain muna kami. Ako na yung nagbayad kase nakakahiya naman sa kaniya. Nang matapos na kaming kumain ay nagpahinga lang kaming saglit at pumunta sa arcade't naglaro.