12

422 17 3
                                    

KHALIANA

"Ouch!" maarteng ani niya dahil binato ko siya ng ballpen na naka-lapag sa mesang nasa harapan ko. Pa'no ba naman kase, yung nangyari kagabi. Nagalit tuloy si Luisa dahil sa kaniya, kasalanan niya!

"Ikaw yung may kasalanan, kung di ka sana tumawag-tawag pa, hindi mangyayari yon Khatalina!" sigaw ko sa kaniya habang naka-upo parin sa swivel chair.

"Di ko kasalanan yon." dahil sa sinabi niya ay bigla akong napatitig sa kaniya, tinapunan ko lang ito ng masamang tingin at nagsalita uli.

"Kasalanan mo!" sigaw ko dahil kasalanan niya naman talaga.

"Ako ba yung sumagot ng tawag? Sa akin ba siya tumawag?" talaga naman talaga oh!

"Bwisit!" sigaw ko sa kaniya at patuloy ko parin siyang binabato ng kung ano-ano.

"Ouch! Stop it ate!" hindi ko siya tinigilang batuhin kung anong madampot ko sa lamesa.

Mga ilang minuto ring nag-stay si Khatalina dito sa office ko, at buti naman ay umalis na siya.

...

"Miss Khali, nandyan na po sila." ngiting sabi ni Zaiera nang makapasok ito.

"Sige, susunod na ako." ngumiti lang ito at lumabas na rin. Nag-ayos muna ako at pati narin yung file na nasa lapag ng mesa ko. Pagkatapos nga ay lumabas na ako at dumiretso na sa loob ng meeting room.

Mabilis ding natapos yung meeting dahil hindi naman ito umabot ng ilang oras, mga ilang minuto lang ay natapos narin. Nakita ko sa orasan ay 11:30 na at nakakaramdam na ako ng gutom, kaya naman ay bumaba na ako ng company at lumabas narin.

Pumunta lang ako sa malapit na kainan at bumalik narin kaagad sa office dahil marami pa akong gagawin. Iba't ibang kulay ng mga file na naka-patong sa lamesa ko. Para nga ay matapos na ay inumpisahan ko nang isa-isahin ang mga ito.

Sa loob ng ilang oras na nandito ako sa company at naka-upo dito sa swivel chair ng office ko, natapos ko narin sa wakas. Nakita ko yung oras ay 7:20 pm na at inayos ko na yung gamit ko. Yung mga files naman ay iniayos at ipinasok ko sa kanilang room. Nang matapos na nga ay bumaba na ako at lumabas na. Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay na sa sasakyan ko. Dahil sa nararamdaman kong pagod ay napayuko at napasandal yung noo ko sa manubela ng sasakyan ko.

Medyo inaantok na nga ako at nakita ko yung tubig na nasa tabi ko at uminom muna. Ini-start ko na muna yung sasakyan para painitin at kinuha ko muna yung cellphone ko at binuksan ito. Nakita ko na may notif na message si Maureen, kaya naman ay pinindot ko ito.

Maureen
Today 7:30 PM

How are you, Khal?
I have a good news!
Guess it 👻👻👻

7:46 PM

I'm doing great, Mau
How about you?
Kamusta ka d'yan?
Ano nanaman yang good news-good news na yan?
[Delivered]

Pagkatapos ko nga siyang replyan ay pinatay ko na ito at nag simula nang mag-drive. Habang nagd-drive nga ako ay biglang nag-ring yung phone ko, kaya dali-dali ko itong inabot.

Khatalina
Decline | Answer

Kita ko sa screen yung name ni Khatalina, kaya naman sinagot ko naman ito at bungad agad yung boses niyang nakaka-rindi.

"Where are you ate?" tanong niya.

"Pauwi na." sagot ko naman sa kaniya habang ang mata ko ay busy na nakatingin sa harapan.

About Us, There Is No UsWhere stories live. Discover now