KHALIANA
Nagulat ako dahil akala ko ay tumakbo na si Luisa. Napahinto ako sa pagkakatayo at napalingon sa gilid ko dahil inaalalayan ako nitong tumayo.
"I-It's fine Luisa." pabulong na sabi ko sa kaniya at iniwas ang braso kong hawak niya.
"You're not, let me help you." mahinahon niyang sabi at kita ko sa dalawa niyang mata ang pag-aalala.
"I'm fi—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita uli siya.
"Sorry..." pagpuputol niya para humingi ng tawad.
"Di ko sinasadya." dagdag niya at pabulong itong sinabi habang inaalalayan niya akong tumayo. Hindi narin ako nakapagsalita dahil sa nagulat mula sa mga sinabi niya.
Inalalayan niya rin ako hanggang sa makarating na kami ng sasakyan. Iniwan niya muna ako sa harapan nito at pumunta sa pintuan ng passenger seat at binuksan ito, habang ako naman ay naglakad patungo sa driver's seat. Napaigtad naman ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko siya sa likuran ko, habang bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan.
"What are you doing?" nagtatakang tanong nito, dahan-dahan ko naman siyang nilingon at sinagot.
"Sasakay na." sagot ko dahil ano pa bang gagawin ko?
"Where's the first aid kit?" taas kilay niyang tanong.
"Nasa back seat, nakalagay sa bag ko." sabi ko habang tinuturo yung back seat. Pagkatapos kong magsalita ay bigla niya akong hinawakan at binuksan yung pintuan ng tinuturo ko kanina.
"Seat." utos na sabi niya sa akin, nang matapos niya nang mabuksan ito.
"I'm fine." saad ko naman dahil ayos lang naman talaga ako at hindi naman malala yung sugat na natamo ko sa kaliwang braso ko.
"You're not, uupo ka o uupo ka?" napalunok nalamang ako sa kung pa'no na ito magsalita, dahil iba na yung tono nito at nakakatakot nang pakinggan.
"Gabi na Lui—"
"Isa."
"Tara na." maglalakad na sana ako nang bigla niyang hilain yung kanang braso ko.
"Dalawa." tila may diin nang sabi nito.
"Ayos nga la—" lumingon ako sa kaniya at nagsalita ngunit hindi ko na ito natapos dahil pinutol niya.
"Tatlo..." dumapo ang tingin ko sa kaniyang lalamunan at saktong pagkatapos niyang magsalita ay lumunok ito ng madiin.
"Pag-umabot 'to hanggang lima, di ako mag-aatubiling dagdagan yan." seryosong sabi niya.
"E-Eto na, u-upo na 'ko." napalunok naman ako at utal-utal na nagsalita.
"I'm just kidding, umupo ka na." medyo natatawa niyang sabi.
Nagiging joker rin pala siya minsan.
Di ko alam na may ganiyang side pala siya.
Akala ko kase puro sama ng loob lang.
Nang maka-upo na nga ako ay kinuha niya yung bag ko na katabi ko lang, at binuksan ito para kuhain yung first aid kit. Nang mabuksan na niya ay kinuha niya yung bulak at betadine.
"A-ako na Lui—" pagpipigil ko sa kaniya habang naglalagay ng betadine sa bulak.
"Shut up." pagpuputol niya sa sasabihin ko kaya wala na akong nagawa kung di tumahimik nalang.