24

105 8 0
                                    

Note: I've changed Echo’s name from Arcain Echo Guanzon to Jerecho Luigi Guanzon.
--

Renon

Nasa labas na kami ng restaurant. Nakatayo habang naghihintay ng masasakyan. Sina Akiro ay hinihintay ’yung sundo nila, ’yung kaninang lalaki yata ang magsusundo sa kanila, ’yung stepbrother ni Echo. Sasabay na rin kasi si Akiro sa kanila dahil magkapitbahay lang naman silang dalawa.

Habang naghihintay kami ay nagsalita itong si Akiro.

“I really can’t believe na babayaran ng Tito Lucio mo ’yung kinain natin, Ren.” Muli kong naalala ’yung kanina.

Kahit ako hindi makapaniwala eh. Pero hindi pa kami sigurado kung siya nga ’yung nagbayad. Pero wala naman kaming ibang naka-usap kung hindi siya, imposible namang ’yung waitress kanina ang magbabayad ng kinain namin.

“But how can you say that he's the one who pay for our bills?” Tanong naman ni Echo.

Kagaya nga ng naisip ko. Hindi pa kami sure.

“Wala naman tayong ibang kilala ro’n, right? I mean it's obvious kasi kilala niya itong si Ren, at anak pa ng girlfriend niya, so I came up with that idea na baka siya nga ’yung nagbayad.” si Akiro. May point siya.

Hays. Imbis na ako ’yung manlilibre sa kanila, kami tuloy ’yung nalibre.

“’Wag na muna nating pag-usapan ’yan. Mukhang nandiyan na ’yung sundo niyo oh,” itinuro ko ’yung puting sasakyan na papalapit sa amin.

“Yeah, he's really here,” rinig kong bulong ni Echo pero hindi ko nalang pinansin.

“Pa’no ba ’yan, Ren, nandiyan na ’yung sundo namin. Tomorrow nalang ulit, thanks for the food by the way, kahit may nagbayad na. Haha,” natawa rin ako sa sinabi ni Akiro at tumango sa kaniya.

“Bye, Akiro,” pagtawag ko sa buo nitong pangalan na ikinairap niya.

Napangiwi ako nang pumasok ito sa sasakyan na tila pagmamay-ari niya. Nauna pa siyang sumakay kaysa kay Echo. Dumako ang tingin ko kay Echo.

“Bye, Echo,” nakangiti kong saad dito at inilagay ang kamay sa ulo nito upang guluhin ang buhok.

Pero agad ko rin iyong inalis nang mapansing nakababa pala ’yung bintana ng sasakyan sa driver seat at nakita ko ang masamang tingin ng lalaking nakasakay roon. Problema nito?

“Bye, Ren, I enjoyed the food we eat earlier,” nakangiting sambit nito. Kahit ako rin nag-enjoyed eh. Pati rin si Akiro.

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba itong si Echo. Ang sama kasi ng tingin ng lalaking nasa driver seat. Kulang nalang patayin ako sa tingin niya eh.

Ano nga ulit ang pangalan nito? Troy? Thor?

Ay ewan, hindi ko na maalala ’yung sinabi ni Akiro kanina, ang dami ko kasing iniisip kaninang school activities. Basta ang alam ko lang, hindi dapat ako lumapit sa lalaking ’to lalo na kapag kasama si Echo. Baka kainin ako ng buhay.

“Hurry up, Luigi,” para akong kinilabutan nang marinig ko ang boses nito. Tang ina, ang lamig! Parang kailangan ko ng kumot ngayon. At mukhang laging iritado dahil nakasimangot lagi ang mukha.

Pansin ko ang bahagyang pagkataranta ni Echo at pilit na ngumiti sa’kin. Mukhang takot din siya sa lalaki. Sa tingin pa nga lang nito parang nangangain na ng buhay. “S-sige, Ren, I need to go. Take care,” anito at umikot papunta sa kabila ng sasakyan.

Nginitian ko ulit siya at hindi na pinansin ang masamang tingin ng binibigay ng kuya niya.

“Ingat ka rin,” saad ko at bahagyang nilakasan upang marinig ng driver niya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang nakamamatay na tinging binibigay nito pero binalewala ko iyon. Hindi dapat ako matakot sa kaniya dahil hindi naman kami close. Pero ’di ba dapat lang na matakot ako sa kaniya kasi hindi nga kami close.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now